Advertisers
INAASAHAN ng Commission on Elections (Comelec) na sa Enero 15 ay mapa-finalize na nila ang listahan ng mga kandidatong papayagang kumandidato sa 2022 national and local elections, habang masisimulan naman ang pag-iimprenta ng mga balota sa Enero 17.
Sa isang virtual press conference nitong Miyerkules, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na, “Ang estimate natin, matatapos ang final ballot faces by January 15 which means ‘yun na ang final list of candidates.”
“… and we hope that we will be able to start printing by January 17,” aniya pa.
Sa pinakahuling tentative list ng mga kandidato na inilabas ng Comelec para sa 2022 polls, nasa 10 pa ang presidential aspirants, siyam ang vice presidential bets, at 64 naman ang senatorial aspirants.
Ang election period sa bansa ay nagsimula na noong Enero 9, 2022.
Ang election day naman ay nakatakdang idaos sa Mayo 9, 2022. (Andi Garcia)