Advertisers
Arestado ang isang lalaki nang mahuli na nagbebenta ng pekeng vaccination card sa Quezon City nitong Huwebes.
Kinilala ang seller na si Mark Anthony Cervantes, 33, at nakuha sa kanya ang ilang fake vaccination card at pera.
Ayon sa QC Police District, napansin ng tauhan ng District Anti-Cyber Crime Unit na isang ‘Reylelyn dela Fuente’ ang nagbebenta ng vaccination card sa Facebook na nagkakahalaga ng P400.
Doon na nagsagawa ng operasyon ang pulisya para mahuli ang suspek kung saan nakorner ito sa East Service Road sa Brgy, Unang Sigaw, Quezon City.
Kakasuhan si Cervantes ng falsification of public document at paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.