Advertisers

Advertisers

8-anyos ni-rape/slay ni Daddy

0 268

Advertisers

Natagpuang patay ang 8-anyos na batang babae sa isang kanal sa barangay Dolores sa Taytay, Rizal.

Kinilala ang salarin na si Romeo Garcia.

Ayon sa Taytay Municipal Police Station, napansin lamang ng ilang residente ang masangsang na amoy sa kanilang lugar.



Napag-alam na noong nakaraang linggo pa nawawala ang biktima.

Inimbitahan naman na ng pamunuan ng Taytay Police ang ama ng bata para sa inisyal na imbestigasyon.



Aminado ang ama na siya ang pumatay sa anak makaraang gahasahin ito.

“Umamin na po ‘yung tatay niya sa nagawa niyang pagkakamali roon sa kaniyang anak. May balon po kasi roon medyo malapit sa kanila,” wika ng Taytay Police Women and Children Protection Desk chief PLt. Gremalyn Bernardo.



“Pinaligo niya po ‘yung anak niya roon ng gabi then noong pinabihis niya, sinundan niya sa may CR, pinagsamantalahan niya po ‘yung bata,” wika pa ng pulis.

Samantala, nakakulong na ang salarin at nahaharap sa kasong rape with homicide.