Advertisers

Advertisers

Romualdez, posibleng maharap din sa iba pang kaso — Ombudsman

0 3

Advertisers

KLINARO ng Office of the Ombudsman na may mga susunod pa silang kaso na posibleng isampa laban kina dating House Speaker Martin Romualdez.

Kasunod ito ng pahayag nila na aarangkada na ang preliminary investigation laban kina Romualdez, dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, at iba pang idinadawit sa flood control anomaly.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, iba pa ang inanunsiyo nila na kasong plunder at paglabag sa Anti-Money Laundering Act laban kina Romualdez sa tinatawag na grand conspiracy na may kinalaman naman sa 2025 national budget.



Paliwanag ni Clavano, hindi maaaring hintayin pa nila ang lahat ng mga ebidensiya para makapagsampa na ng kaso.

Ibig sabihin, kapag sapat na ang kanilang nakalap na ebidensiya ay ihahain na nila ito at hindi na hihintayin pa ang ibang kaso.



Sinabi rin ni Clavano na si Romualdez ang itinuturing na central figure sa sistema ng paglilipat sa pondo para sa flood control projects.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">