Advertisers
NAG-ABISO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta sa Quezon City para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 27.
Pahayag ng MMDA, inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, IBP Road at iba pang pangunahing kalsada na malapit sa Batasang Pambansa.
– Northbound (Mula Quezon Memorial Circle patungong Fairview): Mula sa Elliptical Road, kumanan sa North Avenue, kumanan sa Mindanao Avenue, kumanan sa Sauyo Road o dumaan sa Quirino Highway patungo sa inyong destinasyon.
– Southbound (Mula Fairview patungong Quezon Memorial Circle): Mula sa Commonwealth Avenue, dumaan sa Sauyo Road o Quirino Highway. Kaliwa sa Mindanao Avenue. Kaliwa sa North Avenue patungo sa inyong destinasyon.
Para sa Trucks: Lahat ng trak na manggagaling sa C-5 Road at dadaan sa Katipunan Avenue ay pinapayuhang dumaan sa Luzon Flyover. Kumaliwa sa Congressional Avenue patungo sa inyong destinasyon.
Para naman sa magagaan na sasakyan na magmumula sa C-5 Road, maaaring kumaliwa sa Magiting, kumanan sa Maginhawa saka kumaliwa sa Mayaman saka dumaan sa Kalayaan patungo sa inyong destinasyon.
Samantala, maglalatag din ng emergency preparedness and response team malapit sa Batasan Complex kung saan idaraos ang ikalimang SONA ng pangulo. (Boy Celario)