Advertisers

Advertisers

Bakit kailangan magpabakuna?

0 2,628

Advertisers

ANG bakuna ay paraan upang bawasan ang tsansa na mamatay dahil sa malubhang sakit. Ito ay ilang beses na napatunayan sa kasaysayan mula nang kutkutin ni Edward Jenner ang balat sa braso ni James Pipps, at isalin ang laman ng nagtutubig na cowpox noong ika-14 ng Mayo, 1796. Natuklasan dito ang bakuna laban sa smallpox. Sumunod ang mga dalubhasa tulad ni Louis Pasteur na tumuklas ng gamot laban sa rabies at Jonas Salk na tumuklas ng bakuna kontra polio. Halos nangawala sa mundo ang mga nabanggit na sakit. Patunay ito kung gaano kabisa ang bakuna.

Subalit may mga tao na tutol sa bakuna. Isa si Public Attorney’s Office chief Persida Acosta na aminadong hindi bakunada kontra Covid-19. Isa ang aleng nagtitinda sa bangketa. Aminado siya na hindi siya nabakunahan dahil sa diabetic at may high blood siya. Maraming tao ang tulad nila na hindi nagpabakuna. Tatlong bagay ang pumipigil sa kanila.

Una, ayaw nila na magpabakuna dahil hindi naniniwala sa Covid-19 tulad ng aleng tindera na nag-viral ang video. Sabagay, viral ang video niya dahil minura niya ang mga namumuno sa DoH, at kahit si Rodrigo Duterte na sinisi niya bilang pasimuno ng gulo.



Pangalawa, ang agam-agam at takot ng mga tao sa hiringgilya. May mga pangamba sila na mas malala ang kondisyon nila o mahahawa sila kapag nagpunta sa ospital, o health center. Mas gugustuhin nila na magkulong sa bahay sa pag-aakala na ligtas sila doon. Magkukulong at nagdarasal na lang.

Ang pangatlong dahilan ng mga ayaw magpabakuna ay ang pananaw sa relihiyon.



Marami ang nangangamba dahil sa pakiwari nila ay nakasaad sa Apokalipsis ang pagdating sg anti-Kristo. Lahat ng tao sa daigdig ay tinatakan ng marka ng halimaw. Tanging ang mga taong may marka ng demonyo ang makakapangalakal, bumili ng makakain, at magbenta ng kung anu-ano. Nakakatawa ito pero lehitimong pangangamba sa kanila.

Malaki ang pagkukulang ng pamahalaan na tugunan ang kanilang agan-agam. Bilang isang lumaki sa pamilya ng mga duktor at dalubhasa sa siyensya, pwede kong tawanan sila. Pero bilang isang sumasampalataya sa Poong Kabunian, nauunawaan ko at hindi ko maatim na manatili silang napapabayaan.



Hindi solusyon ang paghihigpit sa kanila, at hindi solusyon ang dahas dito. Hindi lang dahil isang uri ng pang-aapi ito. Walang epekto ang dahas sa pandemya.

Sa ganang akin, dapat tugunan ni Secretary Duque at DOH, at hanapan ng maayos na solusyon ito, imbes na magpagandahan ng tsaleko at pabonggahan ng powerpoint.

Hangga’t pinipilit ang pag-iiral ng solusyong militar sa isang problemang medikal, imbes na makita ang solusyon na naaayon sa siyensya, walang patutunguhan ang lahat ng ito.

Maganda ang sinabi ni Senador Leila de Lima tungkol dito: “This is not the time to pit the vaccinated against the unvaccinated. This is not the time for the President to resort to threats or violence, to hide his failures in mass testing, contact tracing, and convincing the people to get vaccinated. This is not a war against an enemy that can be defeated by violence. This is a fight for survival that can only be won with unity.”

Tama si Leila. Hindi ito giyera laban sa kaaway na pwedeng talunin sa dahas at pwersa.

Kaya sa labanang ito, kailangan manaig ang mungkahi ng duktor at siyentipiko, hindi ng sundalo.

Tungkol naman kay Persida, nakakatawa lang na may opisyal ng pamahalaan na tutol sa bakuna. Huwag na natin siya pansinin. Because to my mind, she is out of hers.

***

Mga Piling Salita: ” No high concrete walls , barbed wires , or caged environment can silence me.

I remain free in spirit and unbroken.” – Senador Leila de Lima

“It is fustrating to think na two years na ang pandemya hindi pa rin napalakas ang healthcare system to be able to absorb surges. Tsk tsk. Tama nga, dapat GOBYERNO NG TAPAT para ANGAT BUHAY LAHAT!”- Sonny Trillanes

“Meron na tayo… Ang tawag namin diyan ay Kalinga kit… 5 pcs of mask, with alcohol, with thermometer, with paracetamol, hopefully with lagundi for anti cough” – Francisco Duque III

“The governor’s (Gwendolyn Garcia’s) people are threatening to file cyberbullying charges against someone because of the tiyanak, white lady ng Balete Drive, manananggal sightings at the provincial capitol. Ikaw?! Mabu-bully?! The memes are causing you humiliation/embarrassment? 98M-peso Balili property, hindi ka nahihiya? Tapos, sa naglalabasang memes hiyang hiya ka?! Juskuporudy.” – Ethel de Borja

“Fact: Na convict na dati dahil hindi nagbayad ng tax.

Tanong sa COC: Na convict kana ba dati ng kahit anong krimen?

Sagot: No Comelec: Hindi “false” ang sagot sa COC. Material pero hindi.” – Rodolfo Hilado Divinagracia