Advertisers

Advertisers

‘Yung iba, kuda nang kuda; si Yorme, gawa nang gawa

0 538

Advertisers

LINTEK, naku, kahit ayaw ko, mapapa-put@*&%$!ragis ka na lang talaga, puro sila politika, ‘yung ibang presidential aspirants, politika pa rin ang nasa utak, e libo-libo na ang nagkakasakit sa Omicron, marami na rin ang namamatay.

Tulad ni Madam Lu, aba … kumpiyansa raw na mananalo siya kaya ano ang iniintindi?

‘Yung bola-bolahin sina Sen. Ping Lacson, Sen. Manny Pacquiao na magkaisa na lang daw sila, at ano ang pagkakaisahan nila.



E, di siya na lang na laging ‘lutang na lutang’ at palugaw-lugaw lang ang samahan.

E, ano sinusuwerte si Barry, si Madam Lu na ang ititirang kandidato raw (?) ng 1 Sambayan, nagpalit ng kulay, e hello, dilaw na dilaw pa rin.



Ang intindihin n’yo paano tutulong na makapagligtas ng tao laban sa sakit, sa gutom at sa depression.

***



Aba, gayahin nyo si Yorme Isko na inuuna ang pandemya, mas iniintindi ang pagbabakuna, ang pagbibigayng booster shots sa lahat.

Yes, welcome sa Maynila ang kahit pa taga-bundok, magpunta lang sa COVID-Field Hospital, sa mga vaccination sites, sa drive-thru free booster shots sa Luneta, tuturukan para may proteksiyon laban sa Omicron.

Buhay ng tao ang inuuna ni Yorme Isko, kesa magkukuda-kuda, mag-meme at mga iingay sa social media at mambira ng mga kalababan.

At advance mag-isip si Yorme Isko at maagap pa sa paghahanap ng gamot na magliligtas sa tao.

May bagong generic na anti-COVID, ito ang Bexovid na gawa ng Pfizer kaya agad inihingi ng compassionate special permit (CSP) sa FDA para pag dumating ang inorder sa US, maigamot ng libre – sa mga may mild o mahinang tama ng Omicron.

E, sina Madam Lu, at si BBM, ano ang inaasikaso, pagpapasikat, pagpaparami ng troll, pagkakalat ng fake news: Hooooy, tumulong naman kayo at nagkakasakit nagkakamatay na ang Pilipino.

***

Hindi lang Bexovid ang makukuha sa Manila Health Department nang libre, dear readers, pati mga kapsula at tabletang Remdesivir, Tolicizumab, Baricitinib at Molnupiravir, basta may reseta ng doktor at may request, kahit sino, kahit hindi Manilenyo, welcome kay Yorme Isko.

Opo, libre, sabi ni Isko, walang bayad ibibigay, “walang politika, mas mahalaga, makapagligtas tayo ng tao.”

E, yung ibang kandidato, ngaw-ngaw, libreng laway lang ang gustong ipamigay, mga buwiset sila.

***

Eto pa ang makataong serbisyo ng alkaldeng basurero ng Tondo.

Bilang pasasalamat sa malaking ambag sa ekonomya ng bansa, aba, may free accomodation na offer sa umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) at balikbayan na naimpeksiyon ng COVID-19.

Welcome sila lahat sa COVID-19 Field Hospital sa Luneta Park at ang free medical service at mahigit sa 100 OFWs ang na-accommodate na libre ang accomodation sa aiconditioned room, kama, may doktor, may nurse, may oxygen, may gamot, at libre food 3x a day!

May pambayad naman sila, pero ano ang sabi ni Yorme Isko kaya libre, kasi, ayaw niya na gumastos pa at mabawasan ang inipong sa pagkudkod ng kubeta, pagpapawis at pagpapagod ng mga kababayan natin na iuuwi sa kani-kanilang pamilya.

***

Pero sakit na talaga ng ibang kandidato na manira at kumuda na lang at bintangan si Yorme na namomolitika lang, kasi kandidato siyang pangulo sa Mayo 22 elections.

Foul yan, unfair, sabi nga ni Dr. Carl Balita na senatorial candidate ng Team Isko.

Kahit noong vice mayor pa si Yorme Isko, sobrang matulungin na siya: basta may maitutulong, higit pa sa kaya, lagi siyang umaayuda.

Nasubukan ito nang kapusin sila ng pera para sa liver transplant ang noon ay 7-month baby na si Kal-El Sumalpong na ang sakit ay Biliary Atresia.

P500K lang ang donasyon hawak ni Dr. Carl e P2.5-M ang gastos sa operasyon, at isang pakiusap lang, P2-milyon ang itinulong ni Yorme Isko.

At marami pang batang may sakit sa atay ang ipinaospital ni Isko na nailigtas ang buhay sa matagumpay na liver transplant.

Gusto ni Dr. Balita na ibalita ito pero, si Isko na ang umayaw kasi bukal sa loob, taos sa puso ang tulong niya, at ayaw na ipublisidad.

Ay kung si Madam Lu ang gumawa noon, ay baka kalat na sa FB, Twitter at iba pang social media platform.

Nakita naman nyo, pag may kalamidad, bagyo at sakuna, ang bilis ibandera sa media!

Dahil sa heart of gold si Isko, kaya nang imbitahan siya na mag-senador, hindi na nakatanggi si Dr. Carl, kasi nga, alam niya na nasa puso ni Yorme ang totoong magserbisyo sa tao.

Kahit pagod na, walang tigil si Yorme Isko na minomonitor ang mga ospital kung ano ang kalagayan ng mga pasyente, ika nga, walang tulugan, makapaglingkod lamang.

At kahit malat na sa kasasalita sa mga anti-vax, sige pa rin si Yorme sa pagkumbinsi na magpabakuna sila at sa mga bakunado, magpa-booster shots sa maraming vaccination sites sa Maynila.

Lagi na ang paalaala niya, lahat ay welcome, kahit taga-saan, basta may gamot, may bakuna, may mapaglalagyang ospital, magpunta lang sa Maynila, babakunahan, gagamutin, sabi ni Yorme.

Kaya in appreciation, yung mga tao, nagdadala ng food at nagpapa-Thank You kay Yorme Isko at sa lahat ng city employees, mga health workers na walang pagod sa pag-aasikaso na masilbihan sila laban sa pandemya.

***

WOW, ha, talaga namang world class ang serbisyong Isko Moreno!

Open na para magserbisyo sa madlang pipol ang napasinayaang Physical Therapy and Rehabilitation Medicine and Robotics Center of the Sta. Ana Hospital.

Sabi nga ni Yorme, basta kaya ng gobyerno ng Maynila, ‘yung ‘the best sa lahat’ ang gusto niyang ibigay na medical service sa tao.

Aba, kung kaya ng private hospital na magbigay ng first class treatment, kaya rin ng Maynila, ano ba kung gumastos, kung para sa welfare at kagalingan ng tao, okay lang, sabi ni Yorme Isko.

Mas may pera ang gobyerno, e di gastusin ang taxes sa taumbayan, at ibigay ang world class na gamutan.

Sabi nga ni Yorme sa pasinaya, ayaw niya ng lip service, yung kuda-kuda lang, yung may masabi lang, may mapicturan lang at may maipagyabang lang.

Itong Robotics Center ay nilagyan ng modern techonology, mga gamit sa Hybrid Assistive Limb (HAL) na tumutulong sa isang pasyente na gumana ang utak, ang isip at mapasunod upang lumakas ang katawang may pinsala.

May ganito na ring kagamitan at teknolohiya ang Bagong Ospital ng Maynila na malapit nang ganap na magbigay ng todong serbisyong medikal sa publiko.

Kaya ‘yung mga naparalisa ang katawan gawa ng aksidente, o naistroke, may Parkinson’s disease, at iba pang sakit, may pag-asang magamot at makalakad pa.

Kung nagagawa ito ni Isko sa Maynila, aba, lalo na siguro kung siya na ang ating Pangulo sa Mayo, e ang saya-saya ng pamilyang Pilipino.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.