Advertisers
MARAMI mga business establishment sa Lungsod ng Maynila ang nagtataka kung bakit sa online payment system ngayon sa city hall ay napansin nila na, imbes na City Treasurer ang Account Name ay nakapangalan ito sa Multipay Corporation.
Ang Multipay corporation ay isang software company na kinomisyon ng Lungsod para sa online payment transaction.
Pero bakit sa pribadong korporasyon magbabayad?
***
KAHIT pa sabihin pumasok sa isang third party agreement ang manila city government, mali pa rin magbayad ang mga taxpayers sa ilalim ng Account Name ng isang private company —scam ito!
Hinde dapat ipinagkakatiwala nina Mayor Isko at outgoing Vice Mayor Honey Lacuna ang pera ng taumbayan sa isang pribadong korporasyon
Baka andyan sina Patty at Eddie, hinde kaya yorme?!
***
FLASHBACK tayo mga katoto, noong nakaraang taon ipinagmayabang nina Isko at Honey ang pagbubukas ng GO Manila apps isang application platforms na naglalayong mapabilis ang payment transactions ngayong panahon ng pandemya.
Okey tayo dyan, pero muli ang tanong, bakit hindi nakapangalan ang account payment sa city of manila, gayong mayroon na tayong apps para sa payment transactions.
Hinde ba’t highly anomalous ang ganitong uri ng payment transaction?!
NON-CONTACT APPREHENSION PAYMENT, BUDOL-BUDOL DIN!
IBA rin ang sistema sa pagbabayad ng Notice Of Violation (NOV) sa trapiko, kapag nahuli ka sa Non-Contact Apprehension or NCAP sa Maynila.
Ipo-proseso ito ng isang software company na nag-oopisina sa loob mismo ng EDP office na nasa ground floor.
Private company may opisina sa city hall?!!
***
DITO ka magugulat mga katoto, pagbalik sa’yo ng papel na nilagyan ng impormasyon mo, kukunin ito ng isang tauhan ng kompanya at hihingin ang payment sa violation mo na may added charges na P35.00 convenience fee para ihulog sa isang kiosk machine.
Hindi ko makita ang logic sa ganitong sistema na magbabayad ka ng convenience fee gayong ang tanging gagawin lamang ng tauhan ng pribadong kompanya ay ihulog ang pera mo sa kiosk machine.
What a fact!
***
NAKUPOO! taliwas yata ito sa kanyang ipinagmamayabang na napapabilis na daw ang mga transaction sa city hall.
Pero teka, bakit mo naman ipapasa sa taxpayers ang mga huge charges gayong kayo ang pumasok sa agreement sa mga pribadong kompanya para sa technology system ng Lungsod.
Ano ‘yan binubudol-budol n’yo Manileno!
***
AYOKO maniwala sa sinabi ng ating kaibigan na mas marami daw kawatan ngayon sa city hall kaysa sa panahon ng mga dating Alkalde gaya nina Lito Atienza, Alfredo Lim, Erap Estrada.
Ang kaibahan nga lamang ay mas high-tech ang pangungupit sa kwarta ng gobyerno, nag-level up ang kanilang sistema ng pagnanakaw.
Bilis-Kilos, Bilis Kupit!
(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes at mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)