Advertisers

Advertisers

Duterte papangalanan ‘pinaka-corrupt’ na presidentiable sa ’22 polls

0 444

Advertisers

NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Duterte na ibubunyag niya ang pangalaan ng pinaka-corrupt na presidential aspirant bago dumating ang 2022 election.

Ayon kay Pangulong Duterte, obligasyon niyang ipaalam sa mga Pilipino ang mga bagay na alam niyang makakatulong sa kanilang pipiliing presidente.

Katwiran ng Pangulo, ang kaniyang hakbang ay hindi isang uri ng pamumulitika kundi ay ipinaalam lamang niya sa publiko ang nalalaman batay sa mga impormasyong natanggap at sa sariling karanasan.



Sinabi pa ng pangulo, bahala na ang mga botante na humusga kung totoo o hindi ang kaniyang ibubunyag. (Josephine Patricio)