Advertisers
NAGSAGAWA ng balasahan ang Commission on Elections sa kanilang field officials.
Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang hakbang ay ginagawa tuwing panahon ng halalan upang maiwasan ang pagiging pamilyar sa pagitan ng mga opisyal ng Comelec at mga lokal na pulitiko
“This is a standard practice for the Comelec,” pahayag ni Jimenez sa isang press briefing.
Aniya, ang serye ng balasahan ay nagsimula sa regional directors sa nakalipas na apat na buwan.
Kasunod nito ay babalasahin ang assistant regional directors at provincial supervisors.
“I think the reshuffling is ongoing all the way down to the election officer level,” sabi ni Jimenez.
Ang Comelec ay nagtatag din ng regional network of spokespersons.
“We are training regional spokespersons coming from the Comelec’s ranks of course,” sabi pa ni Jimenez.
“These are assistant regional directors, provincial election supervisors etc. who are being given the designation of regional spokesperson,” dagdag pa nito.
Sinabi pa ni Jimenez na idineploy na ang mga regional spokesperson para sa mock elections at makikita, aniya, ang pagtaas ng papel para sa kanila habang lumilipas ang mga araw. (Jocelyn Domenden)