Advertisers
KINUMPIRMA ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na pinaiimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y natanggap na death threat ni Presidential aspirant Bongbong Marcos.
Humingi kasi ng tulong mula sa PNP ang kampo ng dating senador hinggil sa umano’y death threat sa kaniya.
Sinabi ni Gen. Carlos, may tinanggap siyang text message mula sa isang Liaison sa kampo ni Marcos hinggil sa nasabing impormasyon.
Agad nila itong isasailalim sa Validation kung may katotohanan.
Bahagi umano ito ng kanilang naisin na lahat ng mga kandidato sa May, 2022 election ay protektado.
Una nito ay nabulgar ang umano’y Death Threat kay dating senador Marcos na nabuking umano ng kaniyang mga supporters sa pamamagitan ng Social Media Platform na TIKTOK.
Ayon kay Carlos, nais nilang magkaroon ng payapayang halalan sa Mayo kaya’t sino mang aniyang pulitiko ang nakakatanggap ng banta sa buhay ay kailangang tulungan.
Binigyang-diin pa ni PNP Chief Carlos na nananatiling apolitical ang PNP ngunit kailangan nilang gawin ang kanilang trabaho.
Bukod sa PNP, nag-iimbestiga na rin ang Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI).