Advertisers

Advertisers

Marawi Compensation Bill dapat ipasa bago bumaba si PRRD sa Hunyo – Former QC Mayor Herbert “Bistek” Bautista

0 221

Advertisers

NANAWAGAN si dating Quezon City Mayor at tumatakbo ngayon bilang senador na si Herbert “Bistek” Bautista sa malakanyang at sa kamara na ipasa na ang Marawi Compensation Bill bago bumaba sa kanyang puwesto sa Hunyo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) para matulungang makabalik sa normal nilang pamumuhay ang 300,000 Maranao at iba pang katutubo sa Marawi City na napilitang lumikas sa kasagsagan ng Marawi siege.

Halos limang taon na ang nakararaan nang kubkubin ng ekstremistang grupong Islamic State ang Marawi City. Naging madugo ang naging bakbakan sa pagitan ng mga puwersa ng gobyerno at miyembro ng Islamic State na nagbunga ng pagkawasak ng buong lungsod.

Ayon kay Bautista, dapat na madaliin ang naturang panukalang batas para maibigay ang dapat na tulong sa mga biktima ng Marawi siege. Aniya, marami pa rin sa kanila ang nagtitiis na tumira sa mga barung-barong o nakikisilong sa kanilang mga kamag-anak.



Isa namang magandang balita ang pagkakapasa ng senate bill number 2420 sa ikatlo at huling pagbasa. Umaasa si bautista na magsisimula sa lalong madaling panahon ang pagtalakay nito sa Bicameral Conference Committee para mapirmahan na ni Pang. Duterte.

Ayon pa kay Bautista, kapag naipasa ito ang magiging pamanang batas ng ika-labing walong kongreso at ni Pang. Duterte mismo sa mga Maranao at iba pang Muslim sa lungsod ng Marawi.



Todo ang suporta ni Bautista sa naturang panukalang batas bunsod na rin ng nakamit ng pakikiisa at suporta mula sa Muslim community nang siya ay alkalde ng Quezon City at naging tagapangulo ng Regional Peace and Order Council sa National Capital Region (NCR).

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">