Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 3,788 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Pebrero 11.
Samantala ay mayroon namang naitalang 5,652 na gumaling at 72 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.5% (91,147) ang aktibong kaso, 96.0% (3,484,636) na ang gumaling, at 1.51% (54,854) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 9, 2022 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na naitest at 0.01% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)