Advertisers

Advertisers

OFWs sa Hong Kong umaapela ng tulong sa PH consulate

0 141

Advertisers

NANAWAGAN ang grupo ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong sa Philippine Consulate sa naturang bansa na tugunan ang kanilang mga pangangailangan sa harap ng pagsirit ng mga COVID-19 cases doon.

Pahayag ni Migrante-Hong Kong chairperson Dolores Balladares-Pelaez, hirap silang makipag-ugnayan sa Philippine Consulate sa harap ng kasalukuyang sitwasyon sa bansa.

Ayon kay Ballandares-Pelaez, yung una nilang inilapit na COVID-19 positive na OFWs ay inabot ng 10 hanggang 11 oras bago pa man sila na-rescue sa labas ng ospital kung saan ito dinala.



Iginiit niya na wala pala talagang designated na ospital sa mga migrant workers sa Hong Kong.

Kaya naman apela nila sa Philippine Consulate sa naturang bansa na mag-provide ng designated facilities para sa COVID-19 positive na mga pasyente.

Makakatulong din para mapanatag din ang kanilang isip kung mabilis din ang pagsagot sa kanilang mga tawag.

Iginiit niya na sa ngayon hindi maganda ang sitwasyon sa Hong Kong dahil araw-araw tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa Omicron coronavirus variant.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">