Advertisers

Advertisers

Sec. Guevarra: Pardon kay Pemberton desisyon lang ni Duterte

0 212

Advertisers

NILINAW ni Justice Secretary Menardo Guevarra na walang nag-udyok kay Pangulong Rodrigo Duterte at sarili nitong desisyon na pagkalooban ng pardon si US Marine Joseph Scott Pemberton.
“From where I was sitting this afternoon at the presidential residence, I saw that the president’s decision to grant pardon to Pemberton was solely his own. No one prompted it,” ani Guevarra.
Paliwanag ni Guevarra, dahil walang reklamo ng misbehavior laban kay Pemberton, ang presumption ay karapat-dapat siya sa good conduct time allowance (GCTA).
Si Pemberton ang pumatay sa transgender na si Jennifer Laude noong 2014.
Una nang iniutos ng Olongapo Regional Trial Court na palayain si Pemberton gamit ang GCTA na kaagad namang tinutulan ng pamilya Laude.
Subalit winakasan ni Pangulong Duterte ang usapin kung karapat-dapat ba sa GCTA si Pemberton matapos niya itong gawaran ng pardon.
Dahil sa bisa ng pardon, wala ng saysay na dinggin ang mosyon ng kampo ni Laude. (Jonah Mallari)