Advertisers

Advertisers

4 tauhan ng CAAP huling nagsusugal sa oras ng trabaho

0 270

Advertisers

TIMBOG ang apat na tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagsusugal sa oras ng trabaho.
Hindi muna pinangalanan ang mga naarestong CAAP employees.
Sa ulat, naglalaro ng tong-its ang apat na empleyado sa loob ng Zamboanga City International Airport.
Bago ito, marami nang natatanggap na reklamo mula sa mga pasahero tungkol sa mga nagsusugal na tauhan ng CAAP Security Intelligence Service.
At minsan umiinom pa umano ang mga ito ng alak.
Matapos mahuli, binigyan ang apat ng warning na huwag na silang uulit.(Ace Ramales)