Advertisers
LIKAS sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng pusong matulungin at mapagmalasakit. Ang mga istoryang ito ay nakapagbibigay ng inspirasyon sa iba, lalo na sa panahon ngayon.
Hindi man kadalasang nagvi-viral sa social media, pero hinahangaan pa rin ng komunindad dahil itinuturing silang “everyday heroes” – ang mga tunay na Bida.
Hatid ng Net25 ang kilala nang bida sa larangan ng pelikula, commercials, at game show na si Mr. AGA MUHLACH ang Bida Kayo Kay Aga, isang feel-good reality show, na ipalalabas na sa March 26, Sabado, 7:00 PM, pagkatapos ng Responde.
Kilalanin ang mga OOHD o Out-of-Home-Daddies na bagaman abala sa pagpo-provide para sa kanilang pamilya ay nabibigyan pa rin ng panahon ang pagiging adventurous at sporty sa pamamagitan ng biking, surfing, hiking at iba pa.
Nariyan din ang mga Daddy D-I-Y o ang mga tatay na maaasahan pagdating sa mga kailangang ayusin sa loob ng bahay. Kaya nilang mag-ala karpentero, tubero at pintor, maisaayos at mapaganda lang ang tahanan ng pamilya.
Ibibida rin sa programa ang mga Daddy Foodie o ang mga dad na mahilig at masarap magluto. Araw-araw nilang napapaibig ang kanilang misis sa kanilang recipes at talaga namang busog ang mga anak dahil sa nakakatakam na lutuin.
Alamin ang mga libangan at kinahihiligan ng mga tatay sa panahon ngayon sa segment na DAD’s Entertainment. Marami ang makaka-relate sa mga plantito, collector ng pop culture items, pagtugtog ng musical instruments at iba pa.
Mapapanood rin ang Digital Dads o “dadfluencers” na name-maintain ang kanilang nakakaaliw na mga post sa kanilang social media account.
Makikilala rin ang mga BIDA BOSS o ang mga nagsimula sa isang mahirap na kalagayan, patungo sa kinalalagyan nila ngayon, kung saan may sarili na silang negosyo at patuloy pang lumalago.
Tiyak na hahanga rin ang mga Pinoy sa mga BIDA SA LIFE o ang mga taong mula sa wala, ay nagkaroon ng oportunidad para mabago ang kanilang buhay, tungo sa kanilang tagumpay na tinatama sa ngayon.
BIDA BEST naman ang magtatampok sa mga ika nga ay “random acts of kindness,” o ang mga taong nakahandang tumulong at magmalasakit nang walang hinihinging kapalit.
Sila ang mga mabubuting halimbawa na dapat tularan tungo sa pagkakaroon ng isang lipunang may pagmamahal sa kapwa.
Ang hindi alam ng mga ibi-bida sa programang ito ay makakasama at makakausap nila siAGA na saludo sa mga kahanga-hangang Pilipino.
“Kayo ang hero talaga, saludo ako sa inyo. Gusto ko silang makausap; sa hirap ng dinadaanan mo sa buhay, ano ang nasa puso mo para tumulong pa rin sa tao?”
Mapapanood ang BIDA KAYO KAY AGA sa Net25 TV, Net25 Facebook page at Youtube
channel.
Let’s BIDA act of kindness in this world. (BKC)