Advertisers

Advertisers

Desisyon sa hirit na taas sa minimum wage ilalabas bago ang Mayo – DOLE

0 381

Advertisers

POSIBLENG mailalabas na ng Department of Labor on Employment (DOLE) ang desisyon hinggil sa mga petisyon sa pagtataas ng minimum wages sa buong bansa bago ang buwan ng Mayo.

Sinabi ni DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, kumikilos na ang regional wage board at nagbigay na rin ng utos si Labor Secretary Bello na pabilisin ang proseso.

Matatandaang kamakailan naglunsad ng rally ang Labor unions alliance sa National Capital Region Wage Board office para sa approval ng kanilang petisyon para sa P750 na minimum wage.



Umapela rin ang Trade Union Congress of the Philippines ng P470 dagdag para sa minimum wage kada araw sa NCR para gawin itong P1,007.