Advertisers

Advertisers

6 Caloocan Police sangkot sa pagnanakaw sibak

0 248

Advertisers

Nanawagan ang pamunuan ng PNP sa biktima ng anim na pulis kalookan na sangkot sa pagnanakaw na makipag-cooperate ng husto sa mga otoridad.

Ang panawagan ginawa ni PNP Public Affairs Office Chief PBGen. Roderick Augustus Alba.

Sinabi ni Alba, na sinibak na at nasa restrictive custody na ngayon ang anim na pulis at iniimbestigahan na ng PNP Internal Affairs Service (IAS) ang naturang mga pulis na mga miyembro ng Caloocan Drug Enforcement Unit.



Sa ngayon, nangangalap na ng ebidensya ang IAS para malaman ang katotohanan sa insidente at para matukoy kung may pananagutan ang mga pulis.

Una nang sinibak sa pwesto ang mga naturang pulis para bigyang daan ang isang impartial na imbestigasyon sa kaso.

Matatandaang nakunan ng CCTV ang insidente kung saan akusado ang mga pulis ng pagnanakaw ng P14,000.00 sa biktimang si Eddie Yuson nuong March 27,2022.

Nagsasagawa umano ng anti-illegal drug operation ang mga pulis nang mangyari ang insidente.

Kinilala ang mga suspek na sina PCpl Noel Espejo Sison, PCpl Rommel Toribio, PCpl Ryan Sammy Gomez Mateo, PCpl Jake Barcenilla Rosima, PCpl Mark Christian Abarca Cabanilla, 31 at PCpl Daryl Calija Sablay.



Inatasan na rin ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos si NCRPO Chief PMGen. Felipe Natividad na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa insidente.(Mark Obleada)