Advertisers

Advertisers

3 mag-ama inararo ng kotse, todas

0 343

Advertisers

Patay ang tatlong mag-aama nang masagasaan sila ng rumaragasang kotse sa Ibaan, Batangas nitong Sabado.

Kinilala ang mga biktima bilang sina Joselito Bayos Jr., at ang dalawa niyang anak na sina John Ivan, 19; at Jeremy, 16-anyos.

Sa ulat, nakatayo lang sa tabi ng isang nakaparadang jeep sina Bayos 1:35 ng madaling araw nang sagasaan ng kotse na minamaneho ni John Erick Berberabe, 29-anyos.



Sa tindi ng pagbangga, nang sagasaan ang mga biktima dumiretso pa ang kotse sa isang bakal na gate sa kabilang parte ng kalsada.

Bukod sa tatlong nasawi, sugatan din ang iba pang biktima na kinilala bilang sina Josephine Bayos, asawa ni Joselito; Princess Tjaon, 21-; at isang 17-anyos na lalaki. Dinala ang tatlo sa pagamutan.

“The victims were about to ride their vehicle after getting their tire fixed in a vulcanizing shop when they were hit by the speeding car,” wika ni Police Staff Sergeant Jonel Pintor.

Lasing umano si Berberabe, na nagtamo ng ilang pinsala sa katawan. Kakasuhan siya ng reckless imprudence resulting in multiple homicide and multiple serious physical injuries.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">