Advertisers

Advertisers

Marian proud ilantad ang bagong baby

0 277

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

BAGONG ‘baby’ na yata ang turing ni Marian Rivera-Dantes sa bago niyang project sa Kapuso Network, ang sitcom nila ng asawang si Dingdong Dantes na ‘Jose and Maria’s Bonggang Villa.’
Kasi nga bukod sa co-producers silang mag-asawa sa naturang sitcom ay personal din nagbibigay ng kanyang ideya si Marian sa mas ikagaganda ng kanilang sitcom.
Say nga ng production team, lahat halos ng may kaugnayan sa show nina Marian and Dingdong mula sa concept, maging sa script, casting ay dumadaan sa kamay ng mag-asawa bukod pa sa mga linyahan sa sitcom na karamihan ay concepts nila.
Baby na nga nina Marian at Dingdong ang kanilang bagong sitcom dahil sa personal na pag-aasikaso nila sa show.
“Isa ‘tong pangarap sa amin, lalo na sa akin, kasi ang tagal ko nang hindi rin lumabas sa primetime. So sabi ko kay Dong, parang hindi ako makapaniwala na totoo na ito na mangyayari na ito, tapos pangarap ko talaga magkaroon ng sitcom kasama si Dong. So, eto na ‘yung pangarap na ‘yun.
“Sabi ko sa mga tao na nagmamahal at matagal na naghintay, malapit n’yo nang mapanood sina Maria at Jose, bonggang-bongga ‘yan ‘pag napanood n’yo,” say ng GMA 7 Primetime Queen.
***
DAHIL sa pinakitang lakas sa karisma pagdating sa takilya, muli ay mapapanood ng kanyang mga followers si Ayanna Misola sa isang movie na may temang city girl meets island girl, ang “Putahe” ng Vivamax na mapapanood na sa Vivamax screen simula sa Mayo 13.
Isang mabiling ‘putahe’ kasi si Ayanna na halos lahat ng pelikulang ginawa niya ay klik sa moviegoers, tulad ng mga “Pornstar 2: Pangalawang Putok”, “Kinsenas, Katapusan” at ang Vivamax original mini series na “Iskandalo”.
Sa “Putahe” ay may temang girl to girl love story kaya all out din si Ayanna sa maiinit na eksena nila ni Janelle Tee, Miss Philippines Earth 2019 na gumanap bilang city girl na may sariling restawran bisnes at kinuha niya si Island girl Ayanna bilang kanyang tagapagluto.
Kumusta naman kaya ang daring scenes nila ni Janelle? May limitasyon kaya si Ayanna pagdating sa sexy scene with a female co-actor?
“None, no limitations po. Lalo na sa girl to girl scenes with Ate Janelle.
“Kasi mas okay ako kapag babae ang kapartner ko. Hindi naman ako nahirapan sa love scenes,” say ni Ayanna.
Kaloka rin ang tugon ni Ayanna nang matanong kung marunong siyang magluto at kung ano ang paborito niyang putahe.
“I really cook and I love cooking kare-kare, kasi I like the mani and the pechay in it,” say pa rin ni Ayanna.
Petsay at mani talaga? Di kaya feel ni Ayanna ang gulay na talong na kasama rin sa kare-kare?