Advertisers

Advertisers

Inaresto ng BI agents ang isang Amerikanong pedophile sa Zambo

0 297

Advertisers

ISANG Amerikanong pedophile na pinaghahanap sa US dahil sa pagmomolestiya sa mga bata ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI).

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Bradley John Moore, 49 anyos, na hinuli ng mga operatiba mula sa fugitive search unit (FSU) ng bureau noong Huwebes sa Dapitan City, Zamboanga del Norte.

May mission order mula kay Morente ang mga arresting agents nang makakalap ng impormasyon ang mga awtoridad ng US sa Maynila tungkol sa kanyang mga krimen.



“Papabalikin natin siya kaagad sa US para humarap siya sa kanyang mga kaso. Pagkatapos, siya ay maba- blacklist at hindi na muling papayagang pumasok sa ating bansa,” ayon kay Morente.

Isinalarawan ni BI chief si Moore bilang isang undesirable alien na nagdudulot ng seryosong banta sa mga batang Pilipino.

Alinsunod kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, overstaying na dayuhan na si Moore sapagkat nakita sa records na hindi pa siya umaalis ng bansa mula noong siya ay nakarating sa Maynila noong Disyemre 6, 2020. Siya rin ay isang hindi dokumentadong dayuhan na dahil nakansela na rin ng gobyerno ng US ang kanyang pasaporte.

Sabi ni Sy, haharap sa district court si Moore sa Mckinney, Texas kung saan siya inisyuhan ng arrest warrants.

Kinasuhan umano siya sa nasabing korte dahil sa mga kasong sexual assault sa isang bata at tatlong counts ng indecency at pakikipagtalik sa isang bata.



Kasalukuyang nakakulong si Moore sa Dapitan City police station bago siya ipadala sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kung saan siya mananatili hanggang matapos ang proseso ng kanyang deportasyon. (JERRY S. TAN)