Advertisers

Advertisers

Lider ng kulto nang-rape ng tagasunod

0 68

Advertisers

ARESTADO ang isang lider ng “kulto” sa isinagawang operasyon ng National Bureau of Investigation in Central Visayas (NBI-7) sa dalawang bilang ng kasong panggagahasa, Huwebes sa bayang ito.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong 2 count Rape na ipinalabas ni Presiding Judge Judilyn Menchavez, ng Branch 8-Regional Trial Court (RTC) Toledo City, nadakip ang suspek na kinilalang si Teodoro Rico Ferriol, 54, alyas Brod Doring, ng Sitio Udlom 2, San Isidro, Asturias, Cebu.

Batay sa report ng NBI Cebu District Office (CEBDO), dakong 2:00 AM nadakip ang suspek sa loob ng templo nito sa nasabing lugar.



Nag-ugat ang kaso ng suspek sa reklamo ng 32-anyos na babae at 17-anyos na dalagita na may kinalaman sa panggagahasa.

Sinabi ng mga biktima, na tinatawag ng suspek ang sarili nitong “Dios Amahan” at ginagamit lamang niya ang kanyang pagiging faith healer saka ginagahasa ang mga babaeng kliyente.

Kuwento ng dalagita (17-anyos), pinainom siya ng suspek na tinatawag pa niyang “Daddy” hanggang sa nanghina ang kanyang katawan.

Sunod ay hinubaran siya ng suspek at isinakatuparan ang makamundo nitong pagnanasa samantalang ang iba pa nitong biktima ay kanya pang nabuntis.

Sinampahan na ng mga kasong paglabag sa Republic Act 8353 o Rape, Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at hindi ito pinayagan ng korte ng makapagpiyansa para sa pansamantalang kalayaan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More