Advertisers
TINANGGIHAN ng Sandiganbayan Fifth Division ang mosyon ni Senador Jinggoy Estrada na makadalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa 7-pahinang resolusyon na inilabas noong Hulyo 9, 2026, sinabi ng korte na ang mosyon ni Estrada ay “bereft of merit” o walang sapat na batayan.
Pahayag ng Sandiganbayan, bagama’t mahalaga ang impeachment trial sa konstitusyon, hindi ito maituturing na “emergency” o “compelling temporary leave.”
Dahil dito, hindi pinayagan si Estrada na makalabas ng kulungan upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang senador-judge sa naturang paglilitis.