Advertisers

Advertisers

Senado, araw-araw nakahanda sa posibleng pagdating ni VP Sara sa impeachment trial

0 5

Advertisers

ARAW-ARAW ay inaasahan ng Senado ang posibleng pagdating ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol, karapatan ni VP Sara bilang respondent sa impeachment trial kung magpunta ito sa Senado.

Mayroon aniyang holding room na palaging nakalaan sa bise presidente na pwede niyang paglagian sakaling magpunta ulit ito sa Mataas na Kapulungan.



Ang nakahandang silid para kay VP Sara ay bilang respeto na rin ng kapulungan sa mataas na posisyon na kanyang hinahawakan.

Naging maugong na naman ang posibleng pagpunta ni VP Sara sa Senado kapag humarap sa impeachment trial ang kanyang Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez.



Sakaling magtungo si VP Sara sa impeachment trial bilang observer, sinabi ni Tongol sa na VIP Gallery pauupuin ang ikalawang pangulo bilang VIP ito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">