Advertisers
Ni BETH GELENA
TANGGAP na ng Megastar Sharon Cuneta ang pagkatalo ng asawang si Senator Kiko Pangilinan sa Vice Presidential race.
Kaya may request post siya sa kanyang Instagram na Respect, Love, and Understanding.
Milya-milya ang agwat ng bilang ni Davao Mayor Sara Duterte bilang bagong halal na Bise Presidente kay Sen. Kiko.
Sa post na respect, love and understanding sinagot ng netizen ang Megastar.
Aniya, “Ate shawie, sabihin mo yan sa anak mong si kakie.”
Ang daming sumang-ayon sa reaksyon ng netizen.
“I agree! agree….”
“Kelangan kasi ni Kakie ng understanding. Hahaha.
Sey naman ng isa dahil naka-tag daw sina Kiko at Kakie sa post ni Shaton.
“Actually note to Kakie at Kiko to. Nakatag sila. Charot.”
“Mismo! Kakie, para sayo to!”
“Eto na yata ang pinakamalungkot na landslide victory. Wala bang street party para sa 32 million. Matao pa un natalo.”
“Those are two-way streets, madam. Sana maintindihan mo rin.”
“Respect begets respect”
Patama naman daw kay Sharon ang kanyang mensahe.
“Bago ka dumungaw sa kapitbahay, tingnan mo muna yung sarili mong bakuran. Mukang di ka kasi aware na nakalabas yung anak mo at nagpoprotesta sa kalsada.”
“Sa anak mo po sabihin yan. Mukang mas kailangan niya.”
May umungkat naman sa pagpost umano ng Megastar noon ng kanyang mga ex.
“Tita Shawie. Review your past posts, sana you apply it to you too. Sa true lang when you were posting about your exes I don’t think you even considered if it was respectful to your husband or sa mga misis ng naging ex mo. Sana you learned your lesson na din.”
***
VERY vocal si Angel Locsin bilang masugid na supporter ni Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan bago pa lang mag-start ang campaign period.
Ngayong tapos na ang 2022 eleksyon may post ang aktres sa kanyang social media na ini-express niya ang naging pananaw sa nagdaang halalan.
“For our country’s sake, I’m rooting for our presumptive president, vice president, & senators,” ani Angel sa IG post.
At sana raw ang mga winners nung May 9 polls ay gawin nang mas mabuti ang bansa kesa sa past leaders.
“I am a Filipino citizen hoping to be proven wrong. Masasabi ko hong ikakasaya ko ho kung mali kami at tama kayo,” sambit pa niya.
Pinasalamatan naman ni Angel si VP Robredo sa pagtanggap nito ng pagkatalo.
Para sa aktres, isang tunay na leader ang Bise Presidente.
“Reminding us na isa sa mga ipinaglaban natin ay ang demokrasya. Magkaiba man tayo ng stand, we should honor democracy and listen to the majority bilang ka-isang bansa,” esplika niya.
“I understand na minsan mahirap, kaya kapag tingin ninyong kaya nyo na, ituloy ang ‘radikal na pagmamahal.’ Otherwise, hanggang slogan lang pala tayo kung ganun,” dagdag pa niya.
Samantala, pinabulaanan ng misis ni Neil Arce na kasama siya sa listahan ng Angat Buhay Foundation na itinatag umano ni VP Robredo bago ito tumulak ng New.York.
Nakalagay sa.listahan kung sinu-sino ang heads sa itinatag na umanong foundation:
“Angat Buhay (Agrikultura), Kiko Pangilinan; Angat Buhay.(Edukasyon), Ayty. Alex Lacson; Angat Buhay (Trabaho), Atty. Sonny Matula; Angat Buhay (Karapatañ), Atty. Chel.Diokno; Angat Buhay (Seguridad), Antonio Trillanes; Angat Buhay (Disaster and Emergency Relief), Angel Locsin, Angat Buhay (Kultura at Kasaysayan), Teddy Baguilat at Angato Buhay (Kababaihan), Liela De Lima.”
Ani Angel, “this is not true po.”
Wala raw katotohanan ang mga head lists ng Angat Foundation.
Reaksyon ng mga.netizen, “d2 ko nga lang nalaman yan.”
“Sa twitter naman nakalagay na “dream line up” lang siya. Ewan ko ba nung mga nasa facebook na iba na andaming nag akala na totoo. Pinakalat pa ng mga bloggers at fb page hahaha”
“Alam ko original post said na wish lang nila. Ewan ko bat andaming naniwala agad.”