Advertisers

Advertisers

Tessie type na ring mag-Tiktok gaya ng co-senior citizen na si Gina Pareno

0 387

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA vlog ng batikang entertainment columnist na si Aster Amoyo, naging panauhin niya ang magaling na stand-up comedienne, TV host at actress na si Tessie Tomas.
Nasa bansa kasi siya para magbakasyon dahil talagang na-miss niya ang Pilipinas.
Sa ngayon, namamalagi na si Tessie sa Isle of Man sa United Kingdom kapiling ang kanyang British husband na si Roger Pullin.
Bagama’t masaya siya sa peaceful environment ng place, aminado naman siyang nami-miss niya ang showbusiness.
Aniya, naroon pa rin daw ang passion niya pagdating sa kanyang craft.
In town din daw siya dahil gusto niyang maka-bonding ang kanyang anak na si Robin sa bakasyon nila sa Boracay.
While out of showbiz, naging libangan ni Tessie ang paggawa ng vlog tungkol sa kanyang simpleng buhay sa piling ng kanyang British husband abroad.
Hopefully, tulad ng co-senior citizen niyang si Gina Pareno ay gusto ring niyang pumalaot sa pagti-Tiktok.
Hirit pa niya, sa palagay niya ay magiging masaya kung makikipag-collab siya sa beterana at award-winning actress.
Si Tessie na nag-reyna bilang stand-up comedienne noong dekada 80 at 90 ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga karakter tulad nina Boni Buendia, Amanda Pineda, Meldita, Barbara Tengco at maraming iba pa.