Advertisers

Advertisers

Paglagda ni P-Duterte sa pagbibigay ng honararia at benepisyo sa mga SK officials, pinuri ni Sen. Go

0 209

Advertisers

PINURI ni Senador Bong Go ang pagkakalagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 11768 na magbibigay ng hoborarium at iba pang benepisyo sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK).

“Kinokomendahan ko po si Pangulong Duterte sa pagpirma n’ya ng bagong batas na layuning bigyan ng honoraria at iba pang benepisyo ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan,” pahayag ni Go.

Kinikilala ni Go ang malaking ambag ng SK upang maihatid sa taumbayan ang mga programa at serbisyo ng gobyerno.



Kaya dapat lamang aniya na mabigyan ng insentibo ang sinumang nagseserbisyo sa publiko.

Nabatid na Co-author si Go ng panukalang batas sa Senado na siyang naging RA 11768.



Bukod sa itinatakda ng batas na buwanang honorarium ng mga SK officials, nakasaad din sa batas na 10 porsyento ng general fund ng barangay ay ilalaan para sa SK.

Maari rin magpasa ng ordinansa ang bawat lokal na pamahalaan na nais dagdagan ang honorarium ng SK Chairperson at mga inihalal na SK officials.



Nagtakda rin ang batas ng kuwalipikasyon para sa itatalagang Secretary at Treasurer ng SK at inisa-isa rito ang iba pang benepisyo ng SK officials kabilang na ang mapabilang sa Civil Service Eligibility ang sinumang opisyal ng SK.

Exempted sa NSTP at iba pang aralin sa eskuwelahan kapag nasa regular o special meeting ang SK.

At awtomako rin sila na kasama sa Philhealth coverage.

Dagdag ni Go na aasahang magpapaibayo pa ang nais ng mga kabataan na makapaglingkod sa kani-kanilang lugar ang paglagda ni Duterte sa naturang batas. (Mylene Alfonso)