Advertisers

Advertisers

Babae nahulihan ng bala sa NAIA

0 302

Advertisers

NAHULIHAN ng bala ang isang babae sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, nang pumasok ito sa isang fastfood na nasa departure area.

Nakilala ang naturang babae na si Ailene Andrada, nasa hustong gulang, ng Nueva Vizcaya..

Sinabi nito na anting-anting ang dala niyang bala at panlaban daw niya ito sa mga masasamang espirito.



Aniya, bitbit niya ang anting-anting maski sa pamamelengke at nakalimutan niya na nasa bag pala niya ito dahil ang buong akala niya ay iniwan niya ito sa bahay.

Maghahatid lamang umano siya ng isang kamag-anak na patungong abroad at kakain lamang umano sana nang ma-detect ng x-ray machine ang bala matapos niyang ipasok ang kanyang bag doon.



Agad namang kinumpiska ng PNP-Aviation authorities ang nasabing bala at pinakawalan din ang nasabing babae. (JERRY S. TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">