Advertisers
ANG Barangay at SK elections ay dalawang beses nang na-postpone under outgoing Duterte administration sa rasong babaha raw ng “drug money” sa halalan. Nasa 20,000 barangay officials daw kasi ang sangkot sa iligal na droga, sabi noon ni Pangulong Rody Duterte.
Ang rason na ito ni Duterte ay lumabas na pautot lang. Dahil hanggang ngayon ay talamak parin ang droga sa maraming barangays sa bansa.
Tapos plano naman ngayon ng bagong administrasyong Marcos na i-postpone uli ang halalang ito. Ang dahilan naman ay sayang daw ang P8.1 bilyong magagastos dito. Sus!
Hindi po ako sang-ayon sa mga palusot na ito.
Under Duterte admin, ang Bgy at SK elections na orihinal na naka-set ng October 31, 2016 ay iniatras ng Oct 23, 2017. Pero kinansela uli ito at itinakda ng Mayo 14, 2018. Tapos iniskedyul naman ng December 5, 2022 matapos baguhin ang edad para sa SK.
Dito sa papasok na bagong administrasyong Marcos ay ipaprayoridad daw ng Kongreso ang pag-postpone uli sa naturang eleksyon, sabi ni Deputy House Speaker Martin Romualdez, ang pinsan ni presumptive President Bongbong Marcos, Jr. na matunog maging sunod na Speaker of the House.
Ang mababaw na rason ni Romualdez, sayang daw ang P8.2 bilyong gagastusin sa eleksyon. Tsk tsk tsk… nanghihinayang sa pondo ng eleksyon, kunsaan nakataya ang kaayusan ng maraming barangay, pero hindi manlang nanghinayang sa bilyon bilyong pisong napupunta sa grabeng korapsyon. Animal!
Kapag hindi pa natuloy ang eleksyon sa Disyembre, aabot na sa anim na taon o higit pa ang panunungkulan ng maraming inutil na barangay officials, at magkakauban narin ang SKs. Mismo!
Kaya dehins tayo aprub sa cancellation uli ng Bgy at SK elections. Isang malaking kalokohan na ‘yan, Cong. Martin!
Base sa mga sumbong na nakarating sa akin, karamihan sa kasalukuyang barangay officials partikular tserman o kapitan ay gamit ng mga politiko sa pamimili ng boto sa nakaraang local/national elections.
Ang mga ganitong opisyal ng barangay ay dapat nang mawala sa puwesto. Peste sila!
Tandaan: Ang Barangay ay isang non partisan. Kaya hiwalay ang eleksyon nito ay upang hindi magamit at hindi magpagamit sa kahit sinong politiko. Mismo!
Sana ay maisip ni presumptive President BBM na hindi magiging masaya ang higit 31 milyong bomoto sa kanya kapag pinagpaliban uli ang Bgy at SK elections. Yes! Dapat ituloy na yan, Mr. President!!!
Kailangan nang maghalal uli ng kanilang kapitan ang mamamayan. Kung okey pa sa kanila ang reelectionist officials, ibalik nila. Pero yaong mga inutil ay dapat nang mawala sa kapangyarihan. Mismo!!!
***
Hindi muna dapat binabatikos ai BBM. Hindi pa siya nakapagsisimula sa kanyang trabaho. Sa Hulyo 1 pa ang simula ng kanyang duty sa atin. Kaya hintayin muna nating makaupo siya sa Palasyo at hayaan munang makapagtrabaho ng hanggang unang 100 days. Malay natin magiging maganda ang kanyang pamamalakad kumpara sa mga nagdaang administrasyon.
Kaya mga aktibista, lamig lang muna kayo dyan. At baka para sa inyo rin ang mga programang ipatutupad ni BBM. Okey?