Advertisers

Advertisers

Rodriguez tinanggap ang alok ni Marcos Jr. bilang executive secretary

0 269

Advertisers

TINANGGAP na ni Atty. Vic Rodriguez, ang nominasyon bilang susunod na executive secretary kung saan siya rin ang chief-of-staff at spokesperson ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang anunsiyo hinggil sa nominasyon ni Rodriguez ay inanunsiyo ng kampo ni Marcos nitong Linggo sa pamamagitan ng isang statement.

Si Rodriguez ay 48-anyos at tinaguriang “fiercely loyal” kay Marcos.



Ayon kay Rodriguez, hindi siya maka-ayaw sa alok ni Marcos.

“I thanked President-elect Bongbong Marcos for the trust and confidence. Rest assured that our team will work doubly hard for the success of his six-year presidency,” mensahe na ipinadala ni Atty. Rodriguez.

Giit pa ni Rodriguez na isang karangalan na makatrabaho si BBM.

“It is an honor working with him, whom I have known for a very long time and I believe will serve the country efficiently and with unquestioned devotion. It is very flattering to work alongside the best person I’ve known,” pahayag pa ni Rodriguez.

Kung matutuloy, si Rodriguez ang papalit sa pwesto ni Sec. Salvador Medialdea, ang executive secretary ni Pangulong Rodrigo Duterte.



Naka-iskedyul ang pagpalit sa pwesto ng susunod na administrasyon sa June 30, 2022.

Nakatakda namang mag-convene ang Kongreso bilang National Board of Canvassers para sa canvassing ng pagka-pangulo at pangalawang pangulo.

Una nang nagbigay ng pahayag ang pinuno ng dalawang chambers na target nilang ma proklama ang mga nanalo sa katapusan ng buwan.

Si Rodriguez ay inatasan na pangunahan ang transition team sa pagitan ng outgoing Duterte administration at ng kampo ni Marcos. (Vanz Fernandez)