Advertisers
INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na sinimulan na ng kanilang hanay ang crackdown laban sa iligal na operasyon ng online sabong nationwide.
Ito’y matapos ipinag-utos ni DILG Secretary Eduardo Año ang PNP Directorate for Operations, PNP Anti-Cybercrime Group at lahat ng PNP units sa buong bansa na tuldukan na ang pamamayagpag ng iligal online sabong.
Sinabi ni DILG Spokesperson USec. Jonathan Malaya, “DILG Secretary Eduardo M. Año has directed the PNP Directorate for Operations, the PNP Anti-Cybercrime Group and all PNP units nationwide to put a stop to these illegal e-Sabong operations that reportedly sprouted after the President shut down the PAGCOR-licensed operators.”
Sa kabilang dako, muling nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na umiwas sa online sabong.
Ito’y matapos matuklasan na nago-operate pa rin ang ilang online sabong websites sa kabila ng utos ng Pangulo na ipasara ito.
Apela ni PNP Directorate for Operations Director Police Major General Val De Leon sa mga tumatangkilik sa e-sabong, huwag nang labagin ang batas.
Nalalagay lang kasi sa alanganin ang pera o suweldo ng mga tumatalpak na dapat sana ay para sa pamilya nila.
Bukod dito mayroon ding “social cost” ang e-sabong at hindi maganda ang epekto nito para sa mga naaadik dito.
Samantala, tiniyak naman ni PNP Spokesperson Police Col Jean Fajardo na wala silang sisinuhin sa kampanya nila laban sa e-sabong.
Patuloy umano ang kanilang case build-up at pakikipag-ugnayan sa mga service provider para maipasara ang mga online sabong website na posibleng abutin ng dalawang linggo.