Advertisers
PARANG normal na normal na as in new normal ang life o buhay natin dito sa Pinas bagama’t tayo ay nasa panahon pa ng pandemya dulot ng Covid-19.
Ibang-iba ang datingan ng mga tao sa kahit saan parte pa ng bansa partikular na sa National Capital Region (NCR) na kung saan halos magkapalit-palit na ng mukha ang madlang people.
Lahat ng lugar at lansangan dito sa Ka-Maynilaan ay wala ng puwang at kulang na lang na magkauntugan ang isa’t isa sa pagsasalubungan.
Ang dating mga memorableng pasyalan sa iba’t ibang dako ng bansa na halos magmistulang ghost town at abandonadong lugar noong kasagsagan ng pandemic ay muling namutiktiktik sa mga tao at turista na suma-sagisag ng muling pagkabuhay nito.
Maging ang mga naglalakihang mga mall na kulang na lang na magsara noong mga lumipas na panahon dahil sa pagpapatupad ng walang kamatayang lockdown at quarantine status ay ayos na ulit, nanumbalik na muli ang kanilang mga sigla.
Ganon din ang lahat ng mga palengke, pam-publiko man o pribado ay puno na muli ng mga mamimili at mga vendor na tila ngayon lang muling humahataw upang makabawi naman sa kanilang lugi.
Ang mga palaruan gaya ng pinagdadausan ng basketball, volleyball at kung ano-ano pang laro ay muling nagningning sa liwanag ng mga ilaw.
Sabik na sabik ang lahat sa muling pagdaraos ng mga liga na kung saan mapapansin muli ang kanilang mga pinasadyang uniporme ang walang puknaw na palakpakan ng kanilang mga funs at miron.
Harinawa’y magtuloy-tuloy na sana ang progreso at muli na rin sanang magbunga at umunlad ang ekonomiya ng ating mahal na bansa.
Sa kabila ng mga mabigat na pagsubok sa ating buhay, walana rin tayong pwedeng ipintas sa sinuman dahil lahat naman ay nagkaisa sa pagtitiis, pasensiya at pakikibaka.
Dapat din natin bigyan ng pagpupugay ang naka-raang administrasyon dahil sa kanilang sinseridad, aksiyon at pinatupad na mga patakaran upang labanan ang salot na covid19.
Sa situwasyon natin ngayon, dapat din nating pasalamatan ang mga taong nasa likod ng mga programa at mga aktibidades kung kaya’t ang ating tinatamasang buhay ngayon ay halos normal na.
Maski papaano ay ginabayan at inakay tayo ng naka-raang administrasyon sa pag-unlad at pag-asenso maski papaano ng ating buhay at manawari magtuloy-tuloy na sana hanggang sa dulo ng walang hanggan.
Dapat din natin purihin ang ating mga sarili sa ipina-las nating tapang at tibay ng loob at pananampalataya sa Maykapal sa pakikipaglaban sa virus na ito.
Sa awa at tulong ng ating Panginoon, sama-sama nating malalagpasan ang krisis at salot na ito. Mag-iiwan din tayo ng isang legacy na hindi malilimutan ng mga susunod na henerasyon dahil nagawa at napagtagumpayan natin ang lahat ng laban.