Advertisers
TRABAHONG kalabaw na naman ang Kamara (House of Representatives) ngayong tapos na ang ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Lalo’t nasa gitna parin ng peligro dulot ng COVID-19 ang ating mahal na bansang Pilipinas.
Samu’t – saring mga panukalang batas na panlaban sa COVID-19 at naglalayong makatulong sa taumbayan ang haharapin ng mga kongresista lalo na at wala pang nahahanap na bakuna para sa COVID.
Kaya minabuti ni House Speaker Alan Cayetano kasama ang iba pang kongresista na maghain ng panukalang batas na magtatag ng Department of Arts and Culture. Kasi libo-libo sa ating mga performing artist at creative industry ang bagsak ngayon ang kabuhayan dahil sa COVID-19. Kanselado ang concerts, palabas, pati comedy bars ay isa-isa nang nagsasara dahil sa COVID-19. Lugmok na lugmok talaga ang industriya ng entertainment sa bansa at marami sa ating nasa performing arts ang pumasok na sa ibang negosyo at kabuhayan para lang kumita at matustusan ang kanilang pamilya.
Gusto ni Cayetano na suportahan ng gobyerno ang training and development ng mga nasa performing and creative arts para magkaroon ng market hindi lamang sa Asia kundi sa buong mundo. Nasasayangan kasi si Cayetano sa galing at pagiging talentado ng Pinoy artists kabilang na ang mga artista, singer at iba pang mga nasa perfoming at creative arts industry.
Sabi ni Cayetano: “So, sa akin, ang sining (the arts) whether it’s for advertising, whether it’s for movies, it’s for telenovelas, whether it’s for marketing ng mga projects, whether it’s OPM as an album or a jingle ng isang produkto (for a product), very creative tayo doon. I don’t think we should lose our advantage there, or whatever we lost, I think we should gain it back,”.
Talaga namang hindi magpapatalo ang Pinoy pagdating sa si-ning at kultura. Dyan tayo magagaling. Kailangan lang ng tulong at suporta ng gobyerno para mapagtibay ang estado ng arts and culture sa ating bansa gaya ng ginagawa sa South Korea kungsaan nahuhumaling ang buong mundo sa K-Pop at K-Drama.
“Yung sa K-Pop at K-Drama, hindi aksidente ‘yun. Pinlano iyon ng private sector, gobyerno, ‘yung mga performing artists nag-aral talaga para mahasa”, diin ni Cayetano.
Kaya asahan na natin na hindi lamang frontliners at ibang sektor ng bansa ang bibigyang pansin ng kamara sa paglaban sa COVID-19 kundi pati narin ang kapakanan at kabuhayan ng mga nasa performing and creative arts sa pinas.
Good job, Companero!
***
Marami ang pumuna sa SONA ni Pangulong Duterte nitong Lunes. Kung bakit daw sa halip na ibida niya ang mga naging accomplishment sa unang apat na taon ng kanyang panunungkulan at mga plano para sa huling dalawang taon ng kanyang termino ay mas binigyang diin niya ang pagbira sa oposisyon at tinatawag niyang oligarki.
Samantalang ang mas gustong marinig ng marami ay ang kung ano ang kanyang mga plano sa gitna ng Covid pandemic.
Nagngingitngit din ang mga lider ng Marawi City dahil hindi manlang nabanggit ng Pangulo ang programa niya sa lungsod matapos wasakin ng giyera tatlong taon na ang nakalilipas.
Magugunita na pagkatapos ng giyera noon ay nangako si Pangulong Duterte na kaagad niyaibabangon ang Marawi. Pati nga ang P5 bilyong pondo para sa survivors ng Yolanda sa Tacloban ay ibinigay sa Marawi. Pero hindi parin ito naaayos hanggang ngayon. Anyare?
Inupakan din ni Pangulo ang telcos at water concessionaires. Pero sabi ng political analysts, ang banat dito ni Duterte ay dahil sa may itinutulak itong 3rd telco, ang Dito ng kanyang bespren na bagong oligarki, si Dennis Uy, ng Davao City. At ang tubig naman ay gusto ibigay sa kaalyado niyang Villar. Araguy…