Advertisers

Advertisers

Kim umiyak sa shelter ng abused kids; Nora inisnab ang awarding ng National Artist sa Malacanang

0 283

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NAPAIYAK si Kim Chiu sa isang shelter ng mga abused kids.

Kinuwento ni Kim sa Instagram ang pagpunta niya sa naturang homecare  kasama ang ilang members ng volleyball at Spike  and Serve Philippines ( isang NGO).



HIndi napigilan ni Kim ang maging emosyonal nang marinig ang mga pinagdaanang  pang-aabuso sa mga walang kamalay-malay na kabataan.

Lumapit  sa kanya ang isang bata at ikinuwento ang sinapit nitong pang-aabuso sa kamay ng isang hayop na tao. Lalong nagpabagbag ng kanyang puso nang humingi ng yakap ang inabusong bata.



Hindi na napigilan ni Kim ang mapahagulgol  habang nagsasalita sa harap ng mga bata na biktima ng pang-aabuso.

Sa kuwento ni Kim, habang papunta siya sa shelter ng mga abused kids ay marami siyang reklamo sa mga pinagdaanan sa kanyang personal na buhay.



Pero natauhan siya nang marinig ang mga pinagdaanan ng mga bata kumpara sa mga pinagdaanan niya na  nagpaiyak sa kanya.

Lalo pang nabagbag ang damdamin ni Kim nang handugan siya ng painting na gawa pa mismo ng mga bata.

Hindi akalain ni Kim na mas maraming kabataan ang nagiging biktima ng pang-aabuso.

Ang pagpunta at pagbisita ni Kim sa shelter ng mga abused kids ang dumurog ng kanyang puso na hindi niya makakalimutan habambuhay.

***

MARAMI ang nagulat at nagtanong kung bakit hindi nakarating si Nora Aunor sa parangal para sa walong napiling National Artists na sa nga siya sa mapalad na pararangalan.

Mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nag-abot ng plaque sa mga napiling National Artist na ginanap sa Malacanang Palace.

Dahil ayaw daw payagan ng doctor si Ate Guy na lumabas  kaya ang mga anak ng Superstar na sina Ian de Leon, Matet, Kiko at Kenneth  ang pumunta para tanggapin ang National Artist award para sa kanilang ina na may sakit.

Ayon na rin kina Matet  at  Ian,  hindi  kayang dumalo ng awarding ang Superstar dahil may sakit.

Nanghihinayang ang mga Noranian na hindi personal na natanggap ng Superstar  ang kanyang award. Matagal pa naman daw  inasam nito ang National Artist award.

Pero kahit hindi natanggap ng personal ni Nora ang award ay masaya sila dahil finally ay nabigyan din ng katuparan ang kanilang ipinaglaban at ipinagdasal.

Naiintindihan din naman ng iba ang health condition ni Ate Guy lalo na mismong doctor nito ang nagbawal na siya ay lumabas.

***

Markus nagsalita na sa hiwalayan kay Janella

Pumiyok na rin si Marcus Paterson tungkol sa usap-usapan na hiwalay na sila ni Janella Salvador.

Sa interview kay Marcus ng Cinema News ay tinanong siya kung ano ba talaga ang estado ng kanilang relasyon ni Janella.

“Our  relationship  status  is  definitely something  that  people are asking  about.

Ko“But  as  of  now,  I`m  gonna  let  her  do the talking on that  situation, but  we`re  both  very good,” say ni Marcus.

Sabi pa niya, “ We have very good  relationship with each  other . So  let`s  just  leave  it  at  that  for  now.”

Ayon pa sa actor ay masaya naman daw ngayon ang kanyang puso.

“Ang puso ko ngayon?  Masasabi  ko  lang  na masaya, sobrang saya ng  puso ko. Magaan in a  lot  of   ways,” say pa ni Marcus.

“I`ve  come  to  terms  with a  lot  this  year  so far and  I  just  can`t  wait  to  grow  more and learn  more about  everything in  life, my  craft, relationship , fatherhood. I`m  so  young  and  I  can`t  wait  to just  become  the best  version  of  me, “  dagdag pa niya.

Nagsimula ang hiwalayan isyu nina Marcus at Janella nang mapansin ng netizens na hindi na sila nagpo-post ng mga larawan nila. Ang huling post nilang magkasama ay nang magdiwang sila ng Bagong Taon noong January.

***

Personal: Salamat  sa GMA 7, hindi  nakalilimot magpadala ng regalo sa tuwing pagdiriwang ng Father`s Day  at  kaarawan.