Advertisers

Advertisers

Marcos prayoridad ang mga apektadong sektor sa price hikes

0 316

Advertisers

MAS pagtutuunan ng pansin ng administrasyon ni president-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang pagtulong sa mga sektor na lubhang naapektuhan ng pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin at produktong-petrolyo sa halip na suspindihin ang excise taxes sa mga produktong-petrolyo.

“I prefer to handle the problem on the other side of the equation and provide assistance to those who are in need because if you reduce the excise taxes that does not necessarily help those who are most in need. Yung talagang tinamaan. Kasi blanket eh,” ayon pa kay Marcos.

Una na niyang ikinatuwiran sa pagsuspinde sa excise taxes, hindi makakatulong ito sa mga direktang apektado ng pagtaas ng mga presyo.



Partikular niyang nabanggit sa mga dapat agad tulungan ay ang mga sektor ng pampublikong transportasyon.

“Its those whose livelihood are in danger or in danger of losing their livelihood because of the increase in oil prices. Baka dapat dun tayo mag-focus,” sabi pa nito.



Pagdidiin nito, napakahalaga ng transportasyon dahil bahagi ito ng araw-araw na pamumuhay ng mamamayan.

Ayon kay Marcos, hindi lamang ang pagbiyahe ng mga tao ang maapektuhan, kundi maging ang mga pangangailangan at produkto.



Aminado si Marcos na nakatali ang mga kamay ng gobyerno sa usapin ng presyo ng mga produktong-petrolyo bagamat aniya nakikipag-usap na siya sa mga bansa na mayaman sa langis para sa suplay ng Pilipinas.