Advertisers
GINIBA ng Pilipinas ang Monaco at Angola via identical scores 3.5-0.5 sa men’s at women’s division ayon sa pagkakasunod para makapasok sa top 20 matapos ang four rounds ng 44th World Chess Olympiad sa Chennai, India Lunes ng gabi.
Naka draw si GM Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr. mula sa inferior position sa marathon 80-move ng King’s Indian Attack kay Ukranian-born Woman Grandmaster Tatiana Dornbusch sa top board.
Nagtala naman ng magkakahiwalay na panalo sina GMs John Paul Gomez at Darwin Laylo at International Master Paulo Bersamina sa boards two hanggang four para pangunahan ang Filipinos sa 23-nation tie sa 18th place na may six match points apiece.
Ang Filipinas ay nagkamada ng importanting panalo na inirehistro nina WGM Janelle Mae Frayna, at WIMs Jan Jodilyn Fronda at Marie Antoinette San Diego on sa top three boards habang draw si WIM Kylen Joy Mordido kay Renelsa Taiane Antonio sa last board.
Naghatid ito sa GM Jayson Gonzales-mentored women’s squad na suportado ng Philippine Sports Commission sa 34-country logjam 12th spot na may six points .
May pag-asa ang bansa na maka gatecrash sa top 10 kung mananalo sila sa higher-ranked Sweden sa men at sa Netherlands sa women sa fifth round na kasalukuyang naglalaro habang isinusulat ito.
Ang men’s team, mentored ni GM Eugene Torre ay inaasahang ipaparada sina Gomez, Laylo at Bersamina sa last three boards habang si Barcenilla o si GM Mark Paragua sa board one.
Sina Gomez at Laylo ay maganda ang nilalaro kung saan ang una ay mayroong three points mula two wins at three draws habang ang huli ay panalo sa first three outings.
Ang women’s side ay tabla at consistent efforts ni Frayna na may 2.5 points sa three matches, at si Fronda na may three points sa two wins at couple of truces. (Marlon Bernardino)