Advertisers

Advertisers

200 maniningil sa illegal online lending timbog

0 2

Advertisers

MAHIGIT 200 empleyado ng collection arm ng ilang online lending applications ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos salakayin ang kanilang establisimyento.
Ayon sa NBI, tinatakot ng mga empleyado ang mga borrower sa pamamagitan ng pagpapanggap na mga alagad ng batas at pagsasabing may inilabas nang warrant at iba pang legal na dokumento laban sa mga ito upang mapilitang magbayad ng utang.
“Tatakutin nila. Magpapanggap na mga law enforcers sila para bayaran. At magpapanggap din na may mga inisyu na warrant, bench warrant at ano-ano pang mga dokumento para mapwersa na magbayad,” ayon sa NBI Director, Atty. Melvin Matibag.
Sinalakay ng NBI Special Action Unit ang establisim-yento at kalapit na gusali sa bisa ng search warrant laban sa collection arm ng ilang online lending apps.
Narekober ng mga awtoridad ang mga SIM card, digital phones na ginagamit sa pagtawag sa mga borrower, at text messaging software na kayang baguhin ang numero at pangalan ng kumpanya. Nakakita rin ang mga imbes-tigador ng mga script na ginagamit sa pananakot, mga larawan ng pulis, at pekeng mensahe na kunwari ay mula sa Philippine National Police (PNP) at NBI.
Sinabi rin ng NBI na binubura ng mga empleyado ang mga mensaheng ipinapa-dala sa mga borrower kada tatlong buwan, bagay na itinanggi naman ng supervisor ng kumpanya.
Mahaharap ang mga naa-resto sa iba’t ibang kaso kabilang ang ilegal na paggamit ng electronic devices, pagpapanggap bilang pulis, at pa-memeke ng mga warrant at iba pang dokumento.