Advertisers
Ni WALLY PERALTA
ISA si McCoy de Leon sa mga talent ng Viva Artist Agency kaya halos lahat ng kanyang pelikula na ginawa lately ay pawang Viva produced movies tulad na lang ng ‘Puto’ with Herbert Bautista and ‘yung ‘Habangbuhay’ nila ni Elisse Joson.
Ngayon ay busy si McCoy sa latest movie niya under Viva, ang “The Deleter” kasama sina Nadine Lustre at Louise delos Reyes. Tsikang bago gawin ni McCoy ang “Deleter” ay may ilang movie offers siyang hindi tinanggap dahil na rin sa personal niyang pananaw.
“E, may projects na talaga na happy ka pati sa role na ipapagawa sa’yo. I want movies na hindi lang ako masaya kundi makakatulong sa growth ko bilang aktor. Yung may iba namang makikita sa akin at tatatak sa viewer.
“I’m glad they understand me naman. But when they pitched ‘Deleter’ to me, I grabbed it right away and I’m very thankful pati sa role na ibinigay nila akin,” say ni McCoy.
“I got really excited because it will be my first time to work with Nadine Lustre, and also with our other co-star, Louise de los Reyes. “Nagkasama na kami ni Nadine sa ‘Showtime’, but it’s our first time to act together in a movie. It’s also nice to work again with Direk Mikhail na nakasama ko naman before sa horror flick na ‘Block Z’ which we did for Star Cinema,” say pa rin ni McCoy.
Sa ‘Deleter’ ay ginampanan nya ang role ng isang carefree, happy go lucky office worker na kasama nina Nadine as Lyra and Louis as Alieen sa trabaho.
“We work in a shadowy content moderators online. Ang trabaho namin is to moderate or filter yung videos na dumaraan sa amin to remove any disturbing images before they are posted on various social media platforms,” dagdag na say ni McCoy.
***
AMINADO ang magaling na aktres na si Carmina Villarroel na ang latest serye na ginawa ng asawang si Zoren Legaspi na ‘Apoy Sa Langit’ kasama sina Maricel Laxa, Mikee Quintos at ang baguhang si Lianne Valentin, ay isa sa mga seryeng hindi pinapanood ni Carmina.
Kwento nga ni Carmina, humingi siya ng despensa sa mister na hindi nga niya masusubaybayan ang serye nito dahil sa sobrang ‘init’ ng love scene ni Zoren at ng batang-batang mistress na si Lianne.
Dahil na rin sa kakulitan ng followers nilang mag-asawa ay napilitan si Carmina na magbigay ng komento sa ilang episodes ng ASL. Isa rito ay ang ‘under the table’ scenes na makikitang si Lianne ay nasa ilalim ng mesa habang himas-himas ang binti ni Zoren.
“Ayyy… Sori, isa talagang dahilan kung bakit di ko pinapanood ang serye na ito ni Tatay (tawag ni Carmina kay Zoren), eh kayo kasi pinipilit niyo ako magbigay komento, hindi ako sanay mapanood si Tatay sa ganung eksena, napaka-konserbatibo kasi niya sa totoong buhay, hehehe” say ni Carmina.
Binuking din ng aktres ang pagiging mahinang nilalang ni Zoren pagdating sa pagsisinungaling.
“Kung ako si Maricel (asawa ni Zoren sa serye) ay huli ko na si Zoren sa pagsisinungaling, halatang-halata kasi siya pag hidi totoo ang sinasabi, hindi siya magaling magsinungaling,” dagdag na say ni Carmina.
And after “Apoy Sa Langt” ay ang serye naman ni Carmina ang ipapalit sa timelost nito, ang “Abot Kamay Na Pangarap” kasama sina Jillian Ward, Richard Yap at Dominic Ochoa.