Advertisers
NAKAPAGBIGAY ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng nasa P141 million cash assistance para sa indigent students nitong Sabado.
Ito ang ibinida sa Facebook post ni DSWD Undersecretary Jerico Javier.
Nakalagay dito na nasa P141,049,500 ang kabuuang naipamahagi sa 48,033 beneficiaries.
Karamihan sa cash assistance na nasa P20,760,000 ay naibigay sa 5,144 recipients sa Western Visayas.
Sinundan ito ng Ilocos Region na mayroong P20,422,000 for 5,715 beneficiaries, Calabarzon na may P14,292,000 for 5,019 beneficiaries at Cagayan Valley, P10,563,000 para sa 4,360 beneficiaries.
Narito ang breakdown ng unang payout ng cash aid:
National Capital Region: P4,191,000 na ibinigay sa 1,594 clients
Cordillera Administrative Region: P3,706,500 na ibinigay sa 1,124 clients
Central Office (Quezon City): P7,844,000 na ibinigay sa 2,149 clients
Region 1: P20,422,000 na ibinigay sa 5,715 clients
Region 2: P10,563,000 na ibinigay sa 4,360 clients
Region 3: P7,154,000 na ibinigay sa 2,661 clients
Region 4A: P14,292,000 na ibinigay sa 5,019 clients
Region 4B: P5,629,000 na ibinigay sa 2,483 clients
Region 5: P8,131,000 na ibinigay sa 2,832 clients
Region 6: P20,760,000 na ibinigay sa 5,144 clients
Region 7: P7,234,000 na ibinigay sa 3,339 clients
Region 8: P4,897,000 na ibinigay sa 1,627 clients
Region 9: P2,801,000 na ibinigay sa 949 clients
Region 10: P7,654,000 na ibinigay sa 2,306 clients
Region 11: P6,358,000 na ibinigay sa 2,760 clients
Region 12: P8,694,000 na ibinigay sa 3,755 clients
Region 13: P719,000 na ibinigay sa 216 clients
Una rito, sinabi ni DSWD Sec. Erwin Tulfo na ang payout ay isasagawa kada Sabado hanggang Setyembre 24. Ito’y makukuha na nila sa local DSWD at hindi na sa DSWD main office.
Puwedeng tumanggap dito ang tatlong estudyante kada pamilya.
Samantala, humingi ng paumanhin si Sec. Tulfo sa nangyaring siksikan sa unang pamamahagi ng naturang cash aid sa mga mag-aaral noong Sabado sa tanggapan ng DSWD sa Quezon City.