Advertisers

Advertisers

Pang-4 na kaso ng monkeypox sa Pinas natukoy ng DOH

0 299

Advertisers

NASA apat na ang kumpirmadong kaso ng monkeypox sa Pilipinas.

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ng gabi na natukoy na nila at na-isolate ang ikaapat na pasyente ng virus, na isang 25-anyos na Pinoy, na walang anumang documented travel history mula sa bansang may kumpirmadong kaso ng sakit.

Ayon sa DOH, ang pasyente ay sinuri at nakumpirmang positibo sa monkeypox, sa pamamagitan ng real time Polymerase Chain Reaction na isinagawa ng DOH Research Institute for Tropical Medicine (RITM).



Nailabas ang resulta ng pagsusuri noong Agosto 19 lamang.

Kaagad namang ini-isolate at kasalukuyang nang nilalapatan ng lunas ang pasyente. Nagsasagawa na rin ang DOH ng intensive case investigation at contact tracing upang matukoy ang mga naging close contact ng pasyente.

Sa kasalukuyan, nasa 14 nang close contacts nito ang natukoy

Ang isa sa kanila ay nag-aalaga ng pasyente na nasa isolation facility habang ang anim pa ay naka-quarantine na at ang isa ay ang healthcare worker na tumingin sa pasyente. Nakasuot naman umano ito ng kumpletong personal protection equipment (PPE) nang isagawa ang konsultasyon, at ngayon ay nagsasagawa ng self-monitoring.

Inaalam pa naman ang detalye ng anim pang close contacts.



Ayon sa DOH, ang apat na kumpirmadong kaso ng monkeypox sa bansa ay pawang walang kinalaman sa isa’t-isa. (Andi Garcia)