Advertisers

Advertisers

Lovely Rivero sumabak sa international movie na The Visitor

0 282

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

SI Lovely Rivero ay mapapanood very soon sa international movie na The Visitor. Gaganap siya rito bilang mother ng American lead actor na si Anthony Diaz V.Ipinahayag ng versatile na aktres na si Ms. Lovely na masya siya sa paggawa ng naturang pelikula.Pakli niya, “Yes, sobrang sarap nila katrabaho.
Very professional, very organized and they really know what they want to do and what to get from each scene. Malaking bagay din kasi na magaling ang Filipino counterpart nila na namahala ng production, si Ms Elaine Carriedo Lozano.”
Kailan at saan ipalalabas ang movie na The Visitor?Tugon ni Ms. Lovely, “Sa ngayon po, ang alam ko lang is nagpaplano silang magkaroon ng grand premiere night dito sa Pilipinas, hindi ko lang po alam pa eksakto, kung kailan dahil kailangan siyempre na makabalik muna ang mga American actors, producers at directors ‘pag ginanap ‘yun.
Then, ang alam ko ay iiikot po nila yung movie sa iba’t ibang bansa. So, I’m hoping na mayroon din dito sa atin.”Ano ang role niya rito? “Ako ang mother ng pinakabida sa pelikula, ang American-Filipino actor/director na si Anthony Diaz V. Tungkol ito sa Catholic-Muslim war sa Mindanao at kung paano siya naka-apekto sa buhay ng pamilyang ito at ng mga tao at kung paano, after many years, ay nagbalik ang character ni Anthony at hinarap niya ito.“Napakaganda at timely ng mensahe ng pelikula.
May twist talaga na dapat nilang mapanood para malaman nila kung ano iyon.” Dagdag pa ng magandang aktres, “Its action packed na may drama rin. Yes, for International release po siya and I think eventually, mapapanood din ito sa iba’t ibang media platforms kagaya ng nauna nilang pelikula, yung Way of the Cross.
“Si Anthony bukod sa lead actor dito, is also the main director-together with his dad, silang dalawa ang nag-direct at nag-produce rin ng movie, under their very own Kaizen Studios International na may offices sa Las Vegas Nevada at Japan.
“Ang iba pang casts na Filipino actors ay sina Jake Cuenca, Joel Torre, Yuseff Estevez, Claire Ruiz, Jong Cuenco, Franco Daza, Mara Lopez, Anna Marin and yours truly.”
Bukod sa movies, pati sa TV ay abala si Ms. Lovely ngayon. Parte siya ng Philippine version ng hit Koreanovela na Start Up, na unang tambalan nina Alden Richards at Bea Alonzo. Kasama rin dito sina Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, Gina Alajar, Jackie Lou Blanco, Royce Cabrera, Boy2 Quizon, Kim Domingo, Ayen Munji, Gabby Eigenmann, Nino Muhlach, at iba pa, sa direksiyon nina Jerry Sineneng at Domm Zapata.
Ano pa ang wish niyang mangyari sa kanyang acting career? “Mahal na mahal ko ang aking craft at hindi na trabaho lang ang tingin ko rito, itong pag arte ay “passion” ko talaga at parte na ng aking buhay at pagkatao. I’ve been acting on & off since I was 9 years old sa Kaluskos Musmos TV show and 50+ na ako ngayon at ito pa rin ang pinakagusto kong ginagawa.
“So, ang hiling ko na lang ay patuloy akong mabigyan ng lakas ng Panginoon at mabigyan ng oportunidad ng mga TV network at movie productions na mapasama sa magagandang projects at ng patuloy kong magawa ang aking pinakamamahal na ginagawa: ang pag-arte. Hanggang kaya ko pa, ito talaga ang nakapagpapasaya sa akin kaya lubos ang aking pasasalamat sa lahat ng tumutulong para patuloy kong magawa ito,” masayang wika pa niya.