Advertisers
BUMUWELTA agad si Bise Presidente Leni Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing hindi lang ang paghihintay sa bakuna ang solusyon sa kinakaharap ng bansa na COVID-19 pandemic.
Nauna rito ay hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko sa kanyang televised speech na huwag paniwalaan si Robredo sa mga pasaring nito na mahina ang COVID-19 response ng administrasyon.
Sa isang Facebook post idinaan ni Robredo ang kanyang mensahe para sa Pangulo hinggil sa pagtugon ng pamahalaan sa kinakaharap ng bansa na pandemya.
Ayon kay Robredo, hindi sapat na basta may hospital, kama at punerarya at ang kailangan na lang gawin ay maghintay ng bakuna.
Sinabi pa ni Duterte na baka pwedeng mag-spray na lang ng pesticide para talagang mawala na ang coronavirus disease sa bansa. Pero sagot ni Robredo: “Hindi maso-solusyunan sa pag spray ng pesticide sa Manila galing sa eroplano.”
Naglista pa ang Pangalawang Pangulo ng kanyang mga mungkahi kung paano mapigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19 at matugunan ang epekto ng pandemya sa ekonomiya ng bansa. (Josephine Patricio)