Advertisers

Advertisers

Pagbabawal sa pagtinda ng junk foods at sugary drinks sa mga paaralan isinusulong

0 497

Advertisers

INIHAIN ni Senador Lito Lapid ang panukala na layuning ipagbawal na ang mga junk foods at matatamis na inumin sa mga pampublikong paaralan upang matugunan ang labis na katabaan at malnutrisyon ng mga mag-aaral.

Sa kanyang inihaing Senate Bill (SB) No. 1231, na tatawagin bilang Healthy Food and Beverage in Public Schools Act, sinabi ni Lapid na ang malusog na pagkain ay may mahalagang papel sa pag-aaral at pag-unlad ng pag-iisip kung saan binanggit sa ilang mga pag-aaral aniya na ang hindi nakakakuha ng sapat na nutrisyon ay nahihirapang mag-pokus at matuto, na kadalasan ay humahantong sa mababang mga marka, o ‘di kaya naman umano ay may posibilidad na huminto sa pag-aaral.

“Kung atin pong titiyakin na mayroong sapat akses ang mga mag-aaral sa mga pagkain na may mataas sa nutritional value, ay masisiguro natin na maitataas natin hindi lamang ang antas ng kalusugan ng mga mag-aaral, kundi pati na rin ang kanilang performance sa eskwelahan,” paliwanag ni Lapid.



Nakasaad sa panukala ni Lapid na ipagbabawal ang pagbebenta, pamamahagi, at pag-promote ng junk food at matamis na inumin sa loob at 100 metro mula sa perimeter ng lahat ng pampublikong eskuwelahan.

Dagdag ng senador, layunin din ng kanyang panukala na bumuo ng magagandang mga gawi o habit na madadala nila sa kanilang pagtanda. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">