Advertisers

Advertisers

SUNDALO BINARIL-PATAY ANG KABARO AT NAGPAKAMATAY!

0 305

Advertisers

BINARIL-PATAY ng isang sundalo ang kanyang kabaro at nagbaril din sa sarili sa loob ng kanilang battalion headquarters sa Barangay Del Pilar, Piñan, Zamboanga del Norte nitong Linggo, September 4.

Kinilala ang salarin na si Sgt. Jaymar Lagrosa Bugay, at ang kasamahang binaril niya ay si Sgt. Ryzan Alasaas Saluta, kapwa miyembrong ng 97th Infantry Battalion.

Ayon sa Zamboanga del Norte Provincial Police Office, isang .45 caliber na Rock Island pistol ang ginamit ni Bugay sa pagbaril sa kasama at sa kanyang pagpapakamatay.



Sa report, nagbaril din ng sarili si Bugay kasunod ng pagbaril kay Saluta.

Ayon sa ulat, nagtamo ng tama ng bala sa likod si Saluta, sanhi ng agarang kamatayan nito.
Pumanaw naman sa isang pagamutan si Bugay kungsaan siya isinugod ng mga kasama upang malapatan sana ng lunas matapos magbaril sa sarili.

Sinabi ng Piñan Municipal Police at ng Zamboanga del Norte Provincial Police Office na wala namang matinding alitan ang dalawa kaya hindi pa alam kung ano talaga ang nag-udyok kay Bugay na barilin si Saluta at nagpakamatay din.