Advertisers

Advertisers

New rising star Ella Ecklund magbibida sa pelikulang ‘Miracle on Milagros Avenue’

0 562

Advertisers

MALAPIT nang gumiling ang camera para sa launching movie ni Ella Ecklund. Magbibida sa unang pagkakataon ang batang si Ella na gaganap bilang Lumen na tatampukan ng mga beteranong artista sa pelikula at telebisyon.
Ang Miracle on Milagros Avenue ay original story at screenplay ng award-winning short film director na si Julius P. Bergado. Ishu-shoot ito somewhere in Rizal.
Ella has participated in a one-week boot camp with IPOP which is affiliated with Hollywood stars. Ella is currently under workshop with Maria Whatley who is a director and producer to several Hollywood movies and TV shows. Ella has been coached by Ryan Kelly, Robert Vito, Connor Ross and Tom Virtue.
Bata pa lamang si Ella ay pangarap na nitong mag-artista kaya full support ang kanyang parents sa kanyang launching film dahil ang mga ito ang mismong producer ng Miracle on Milagros Avenue.
Itatampok din sa nasabing movie ang ilang talented kids ng Youtube Bulilit tulad ni soon to be GMA contract artist Lyanne Bron, at sina Queenie Tolin, Andrei Dela Cruz, Brian Jay Ramada, Stephanie Tenedero, at marami pang magagaling na kids mula sa nasabing online kids show na dinidirek din ni Direk Julius.
Maganda ang istorya ng Miracle on Milagros Avenue, inspirational and feel good movie. Matatawa tayo sa ilang eksena ni Lola Carsing na ginagampanan ng beteranang aktres na si Ms. Deborah Sun. Makakasama rin sa pelikula ang dating sexy star at hunk actor na si Anton Bernardo para gumanap na Lando at bilang traysikel driver na ama ni Lumen.
Nasa pre-production na ang movie at malapit nang mag storycon ang buong cast and staff. Assistant director ng pelikula si Direk Ronald Abad ng RLTV Entertainment Production at siya na rin ang tumatayong Safety Officer sa shooting.
Balak ng producer at ni Direk Julius na ipalabas sa mga Macro Cinema ang Miracle on Milagros Avenue pati sa mga school dahil maraming kapupulutang aral dito.
Isa na namang de kalibreng pelikula ang mapapanood tulad ng mga obra ng mga kilalang directo. Ang Miracle on Milagros Avenue ay maihahalintulad sa award winning film ng namayapang si Direk Maryo J. Delos Reyes na idol ni Direk Julius.
Abangan sa mga sinehan ang Miracle on Milagros Avenue next year. Suportahan ang Pelikulang Pilipino!