Advertisers
SUSPENDIDO ang lahat ng sesyon ng Supreme Court mula November 5 hanggang November 22.
Ito ayon sa anunsyo ng High Tribunal ay para bigyang-daan ang pagdaraos ng bar examinations ngayong taon.
Kaugnay nito, ipinabatid ng Korte Suprema na sarado naman mula November 9 hanggang 16 ang lahat ng collegiate courts at first and second level courts sa Metro Manila at lahat ng mga lungsod kung saan mayroong local testing centers.
Una nang inihayag ng kataas-taasang hukuman na nasa 14 na local testing centers (LTCs) ang napili na pagdarausan ng 2022 Bar Examination.
Sa Bar Bulletin No. 7 Series of 2022 na pirmado ni Associate Justice at 2022 Bar Examinations Chairman Benjamin Caguioa, ang pagpili sa 14 na local testing sites ay kasabay na rin ng kanilang pagsisikap para sa regionalized at digitalized platform sa pagsasagawa ng Bar Examinations.
Matapos naman ang considerable assessment at evaluation, kinilala na ng Office of the 2022 Bar Examinations Chair ang mga testing sites:
Sa National Capital Region:
1. Northern Manila
2. Southern Manila
3. Pasay City
4. Quezon City
5. Taguig City
Luzon:
1. Baguio City, Benguet
2. Lipa City, Batangas
3. Naga City, Camarines Sur
Visayas:
1. Northern Cebu City
2. Southern Cebu City 3. Tacloban City, Leyte
Mindanao:
1. Cagayan de Oro City
2. Davao City
3. Zamboanga City