Advertisers

Advertisers

PBBM ibinida ang pananatili ng matatag na relasyon ng Pilipinas at Amerika

0 201

Advertisers

BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahigpit na samahan ng Estados Unidos at Pilipinas.

Sa kaniyang pagharap sa New York Stock Exchange (NYSE) Business Forum, nitong madaling araw ng Martes oras sa Pilipinas, na hindi niya lubos maisip kung ano na ang magiging kahihinatnan ng Pilipinas kapag wala sa tabi nito ang Amerika.

Sinabi ni Pangulong Marcos na nakahanda ang bansa na ipagpatuloy at panatilihin ang magandang pakikipag-ugnayan sa Amerika, lalo na sa larangan ng pagnenegosyo.



Ibinida rin ng Pangulo ang workforce ng bansa na aniya’y isang asset sa gitna ng patuloy na paghimok sa mga investor na mamuhunan sa Pilipinas.

Tiwala naman ang Punong Ehekutibo na magtutuloy-tuloy ng mahabang panahon ang magandang ugnayan ng Pilipinas at US, at asahan na rin aniya na lalakas pa ang relasyon ng dalawang bansa partikular na sa larangan ng politika at economic diplomatic relations.



Nasa Amerika ngayon ang Pangulo para sa pagdalo nito sa 77th United Nations General Assembly (UNGA) kung saan umaasa siya na makausap ng personal si US President Joe Biden. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">