Advertisers

Advertisers

P1 dagdag pasahe hirit ng UV express drivers

0 177

Advertisers

UMAPELA ang isang grupo ng UV express drivers ng pisong dagdag sa pasahe.

Kasunod ng pag-apruba ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag pasahe sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeep, taxi at Transport Network Vehicle Services (TNVS) epektibo sa October 4 maliban lamang sa UV express.

Ayon kay George Jalandoni, Executive Secretary ng Alliance of Uv Express Association of the Philippines hindi na nila talaga kakayanin ang presyo ng krudo kaya’t humihingi sila ng pisong dagdag sa pasahe na sa tingin naman nila ay makatuwiran.



Tutumbasan naman aniya nila ng mas magandang serbisyo ang aaprubahang dagdag pasahe sa mga sumasakay sa UV express.

Nanawagan din si Jalandoni sa publiko na unawain sila dahil kailangan din naman nilang makaagapay sa pandemya.

Ayon pa kay Jalandoni na naibalik na ang halos lahat ng kanilang pre-pandemic route subalit hindi pa bumabalik ang dating dami ng kanilang mga pasahero. (Josephine Patricio)