Advertisers

Advertisers

Alex Gonzaga new brand ambassador ng Ever Bilena cosmetics; DZME broadcaster Ka Rex Cayanong ginawaran ng “OUTSTANDING BROADCASTER OF THE YEAR”

0 312

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

SUPER happy and flattered si Alex Gonzaga at siya ang bagong brand Ambassador ng mahigit tatlong dekada ng kilalang cosmetics company na Ever Bilena.
At recently ay binigyan si Alex ng bongga at sosyal na launching ng Ever Bilena na tinawag na ALEX IN EVERLAND #AGforEverBilena held at Prosperity Room Eton Centris.
Naging successful ang event na ito na dinaluhan ng mga kilalang bloggers at ng inyong kolumnista. Ayon pa kay Alex, very happy siya na after maging mukha noon ang kanyang Ate Toni Gonzaga ng Cream Line ng Ever Bilena ay kinuha siya ng nasabing make-up and beauty products company na maging endorser nila. Itinuturing na raw pamilya ng owner ng Ever Bilena na si Mr. Dioceldo Sy at daughter na si Ms. Denice Sy ang kanyang Mommy Pinty Gonzaga.
Kaya sa tagal ng pinagsamahan ay parating nariyan ang suporta ni Mr. Sy sa Gonzaga family especially sa kanila ni Toni. Nais pala ni Alex na magkaroon ng collab sa Ever Bilena at magkaroon siya ng sarili niyang product line rito. Bilib daw siya sa ineendorsong cosmetics company at kahit saang SM Stores, Watsons, Mercury Drug Store at sa ibang bansa ay pwedeng mabili ang mga produktong ito. Isa sa ipinagmamalaki ni Alex na product ay ang kanyang gamit araw-araw na clay blush na cheek, lip, and eye shadow na tint in one.
Ipinagmamalaki rin nito ang Matte Lipstick lalong-lalo na ang Vamp Red na nagmumukha kang Holywood star kapag ito ang ginamit mo.
***
Mga bigating TV, Radio, and Movie Personality binigyan ng parangal ngayong taon ng GAWAD PILIPINO 2022 ICON AWARDS. At para sa kategoryang Media Industry Icon of the Year ay kabilang ang bigating commentator at anchor ng “TARGET ON AIR” na si Ka Rex Cayanong na itinanghal na “OUTSTANDING BROADCASTER OF THE YEAR.” Kahanay ni Ka Rex na tumanggap ng award sa kategoryang ito ang mga pambatong news anchor ng GMA7 na sina Mel Tiangco, Jessica Soho at Mike Enriquez. Also Kabayang Noli de Castro, Korina Sanchez, Bernadette Sembrano, Ali Sotto, Aljo Bendijo at iba pa.
Well para sa amin at sa bumubuo ng Icon Awards, deserving si Ka Rex sa tinanggap na parangal dahil bukod sa mahigit isang dekada niya sa mundo ng media broadcasting ay marami na siyang napatunayan sa kanyang larangan. Isa na rito ay pinagkakatiwalaan siya at ang kanyang programa ng mga malalaking pulitiko kabilang na sina former President Rody Duterte at bagong Pangulo ng bansa na si Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa Metropolitan Theater isinagawa ang nasabing Awards Night noong Sept. 17. Labis ang pasasalamat ni Ka Rex sa award-giving body sa pagkakapili sa kanya. “Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng Icon Awards. Gagawin kong inspirasyon ang parangal na ito para lalo pang pagbutihin at pagandahin ang aking programang Target On Air.
“Para sa akin ay malaking achievement as a broadcaster ang pagkilala nila sa akin,” masaya at proud pang pahayag ng kaibigan naming mamamahayag sa DZME.
***
Direk Reyno Oposa, Balik-Bansa At Maraming Plano Sa Movie Outfit At Negosyo
Bago ang kanyang flight mula Ontario City, Toronto, Canada pauwi ng Pinas ay aking naka-video call si Direk Reyno Oposa.
Ayon kay Direk Reyno na nakagawa na ng mahigit sampung pelikula at ilang music videos sa ilalim ng kanyang independent movie outfit na Ros Film Productions, for good na ang kanyang pagbabalik bansa.
May ide-develop kasi siyang malawak na lupain sa Surigao City na plano niyang gawing farm resort at restaurant. Napaka-progressive raw ng kanilang lugar at maraming turistang dumarayo kaya very positive si Direk na magtatagumpay siya rito. Pwede rin daw niyang magamit ang lugar sa susunod na pelikulang gagawin at napakaganda raw nito. Magkikita kami ni Direk Reyno, na for 7 years naming samahan ay ngayon lang kami magkikita nang personal at very excited na ako sa aming meet-up. Magiging busy rin ang schedule ng nasabing awarded filmmaker habang naririto siya sa Manila, kasama na ang pakikipag-meeting sa kanyang production staff sa Ros Film Productions.